Ayon sa kanyang nakakalungkot na karanasan ay nakatanggap ito ng e-mail sa isang nagpapanggap na tauhan ng BDO o Banco De Oro.
Sa panahon ngayon napakaraming ng mga modus at scam online, isa na dito ang tinatawag na Phishing. Kung saan target nito ang makabiktima ng mga bank account holders, kinukuha ng mga ito angmga impormasyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng pekeng e-mail o mensahe sa mga account holder. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng access ang manloloko sa inyong bank account at dito nagagawa nilang tangayin ang laman ng inyong mga bank accounts.
Isang post sa socmed ang ibinahagi ng netizen na nagngangalang Marco Ezer Delas Alas. Ang kanyang binahagi ay mainit na usapan ngayon sa socmed. Ito ay patungkol sa kanyang karanasan sa isang Phishing e-mail kung saan nakuha ang kanyang pera.
Ayon sa kanyang nakakalungkot na karanasan ay nakatanggap ito ng e-mail sa isang nagpapanggap na tauhan ng BDO o Banco De Oro. Kung saan ito ay patungkol sa pag aactive ng kanyang bank account na ang hindi pag sunod dito ay magreresulta upang magsara ang kanyang bank account. Narito ang kanyang Phishing e-mail na natanggap :
Makikita sa e-mail na kanyang natanggap na kinakaylangan nitong ma-iverify ang kanyang online bank account. Nakalagay din rito ang instruction kung saan dapat nitong sundin. Sa unang tingin ay makikita na talaga namang mukang lehitimo ang nasabing e-mail at sa pag-aakala na ito ay totoo, dito ay ibinigay na niya ang nasabing impormasyon sa pamamagitan ng pag-click ng nasabing link.
Matapos ang ilang minuto at hindi tumagal na oras ay may natanggap itong panibagong e-mail at dito nakasaad na nakapagtransfer ng pera ang kanyang account sa pangalang Janet Espada.
Kaya muling paalala sa mga bank account holders na gumagamit ng mobile at online banking. Siguraduhing tignang mabuti ang mga natatanggap na mensahe sa inyong cellphone at ganon din sa inyong mga e-mail. Nakakabuti na agad tumawag din sa inyong banko at mag tanong patungkol sa mga natatanggap niyong e-mail upang hindi mabiktima ng ganitong uri ng scam at panloloko.
Kung kayo ay may ibang karanasan na katulad sa nasabing pangyayari maaari niyo rin itong ibahagi sa amin sa pamamagitan ng pagkomento. Malaki ang maitutulong nito upang mas lalong magkaroon ng kaalaman ang iba at hindi maging biktima.
COMMENTS