Sa mga mahilig bumyahe at magtravel dyan na gamit ang sarili nilang sasakyan, para sayo ito.
Alam naman nating lahat na kapag tayo ay bumibiyahe ang number one na lagi nating bitbit ay bottled water. Kailangan nating uminom ng tubig upang di tayo madehydrate, pantawid gutom at upang maibsan ang nararamdaman nating pagka-uhaw.
Bagamat na madaming gamit ang bottled water na ating dinadala sa pagbibiyahe ay alam nyo ba na delikado ang maiwan ang mga ito sa loob ng sasakyan?
Ito ang kwento ni Dioni Amuchastegui, isang battery technician sa Idaho Power sa Amerika. Habang siya ay kumakain ng kanyang tanghalian ay may napansin syang usok na nanggagaling sa kanyang sasakyan. Buong akala nya ay alikabok lang ang mga iyon, ngunit nagkamali siya.
Nilapitan nya ang kanyang sasakyan at natuklasan nya na ang naiwan nyang bottled water sa loob ay ang dahilan ng pag usok ng kanyang sasakyan. Sabi nya, nakatutok ang sikat ng araw sa bote ng tubig at doon nagsimulang umusok at masunog ito.
Sinabi at pinaliwanag din ni David Richardson ng Midwest City Fire Department sa Oklahoma:
"The air temperature doesn't matter. It works just like a magnifying glass, like one that you would use to burn leaves as a kid. It's the same principle."
Inihalintulad nya sa isang science theory na kapag ang dahon ay natutukan ng magnifying glass at itinapat ito sa sinag ng araw ay masusunog ito.
Paliwanag nya, ang bote ng tubig ang nagsisilbing magnifying glass at dahil na din sa ito ay isang plastic na bagay ay mabilis talaga itong mag-init at masunog.
Ang pinakamasama pa nito ay maaaring masunog din ang iyong buong sasakyan.
Ito ay isang mabuting paalala para sa lahat na huwag mag-iwan ng bottled water sa loob ng sasakayan. Ang pagiging maagap lalo na para sa kaligtasan natin ay dapat na unahin at huwag isawalang bahala.
COMMENTS