Ang nasabing patimpalak ay dinaluhan ng mga estudyante mula sa ibat-ibang bansa.
Sa panahon ngayon ang mga kabataan o tinatawag na millenials ngayon ay talaga namang nahihilig sa paggamit ng gadgets. Inaabuso nila ang paggamit ng ating teknolohiya. Kahit ang pag aaral nila ay hindi na din masyadong napaglalaanan ng panahon.
Ngunit, ibahin ninyo ang limang kabataang ito.
Sila ang “Team Voltage 5”. Ang grupo na ito ay binubuo ng Grade 11 students na nag -isip, nagsumikap at nagpunyagi sa larangan ng siyensya. Sila lamang ang nag uwi ng Silver Award sa katatapos lamang na Young Investors Challenge 2019 na naganap sa Malaysia.
Ang nasabing patimpalak ay dinaluhan ng mga estudyante mula sa ibat-ibang bansa. Ang mga batang mag aaral ito na nagmula sa Philippine Science High School-Western Visayas Campus (PSHS-WVC) at sila ay nakapag imbento ng isang gadget na magcoconvert ng noise o ingay sa paligid at itong ingay ang nagiging source ng electricity.
Ang gadget na ito ay tinawag na The Sound – Light o “S-Light”. Ito ay binuo ng mga henyo na kabataan na sila Kirsten Dianne Delmo, Nico Andrei Serrato, Joecile Faith Monana, Frelean Faith Engallado at Raphael Francis Dequilla.
Ang nasabing gadget ay mangongolekta ng sound waves mula sa paligid at mayroon itong magnet at coil sa loob na magiinteract sa sound waves hanggang sa ito ay maipon sa isang power bank at ang mga tunog o ingay na nakolekta nito ay magiging isang alternatibong source ng elektrisidad.
Napakamura ng gadget na S-Light at ito ay nagkakahalaga lamang ng $4 o Php200 pesos. Sa ganitong kamurang gadget ay madami itong matutulungang Pinoy na hindi makaafford ng elektrisidad.
Ang mga ordinaryong Pinoy ngayon ay makakaranas na ng maliwanag na tahanan sa murang halaga lamang.
Maraming salamt sa talino, sipag, tiyaga at kabutihang puso ng mga kabataang ito. Kahanga hanga ang ipinakita nilang kakayanan sa larangan ng siyensya at imbensyon. Nawa ay gayahin din sila ng ibang kabataan sa ngayon .
Mabuhay kayo at isa lamang itong patunay sa mga sinambit ni Gat Jose Rizal na:
“ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN”.
COMMENTS