Si Charice Pempengco ay isang sikat na local and international singer at kilalang personalidad.
Noong 2007 ay lumabas at kumanta siya sa isang palabas sa America na "The Ellen DeGeneres Show at talaga namang nag standing ovation ang mga manunuod sa nasabing palabas. Doon nagsimula ang pagsikat nya sa ibang bansa. Ngunit, ang kasikatan na ito ay di din nagtagal.
Nagimbal at nagulat ang kanyang mga fans lalo na dito sa Pilipinas ang pag amin nya na isa syang lesbyan. Kasunod ng pag amin nya na isa syang lesbyan ay ang pagnanais nya na magpalit ng kanyang pangalan mula Charice Pempengco dati ay ngayon ay Jake Cyruz.
Nagulat ang karamihan at hindi suportado ng kanyang pamilya ang mga nangyayari kay Charice o Jake Cyruz.
Ang kanyang lola na si Thess Pineda ay isa sa mga tumututol sa kanyang pagiging lesbyan at pagpapalit ng kanyang pangalan. Aniya hindi mababago ng kanyang apo na si charice dahil kahit anong gawin nya ay babae pa din sya.
Naghiwalay din sila ni Alyssa Quijano na kanyang girlfriend.
Sabi din ng kanyang lola na tutol sya sa pagpapalit ng pangalan at nabanggit din nya sa interview ng media sa kanya na paunti unti ng nauubos ang lahat ng pinaghirapan nya dahil sa mga nagiging desisyon sa buhay.
Ayon sa lola ay naibenta na daw ni Charice ang kanyang mansion, ang naging condo nya sa Laguna, apartment sa Cabuyao at dalawang apartment nya sa US kasama na din daw ang kanyang mga negosyo sa America.
Ang tumatak din na nasabi ng kanyang lola thess ay, "sa puso ko, babae pa din si Charice". Ang pagkakaroon ng tinatawag na Identity Crisis ay talagang mahirap ngunit walang ibang makakasagot sa krisis na yan kundi ang ating mga sarili.
COMMENTS