Sinasabing ang video clip na iyon ay pinalabas kung paano tinanggal ng isang namili ng isda ang mga laruan o pekeng mata sa mga nabili nyang isda.
Isang tindahan ang nagsara dahil sa paggamit ng pekeng mata ng kanilang tinitindang isda. Ang mga pekeng mata na ito ay ginagamit nila upang magmukhang sariwa ang kanilang tindang isda at upang mabili ito ng mga mamimili. Ang tindahang ito ay matatagpuan sa Kuwait.
Kung makikita ninyo sa mga larawang ito ay tila idinikit lang ang mga pekeng matang ito upang maikubli ang mga nabubulok at naninilaw na mga mata ng isda. Ang mga litrato na inyong nakikita ay hango lamang sa mga video clips na nagttrending ngayon sa socmed.
Sinasabing ang video clip na iyon ay pinalabas kung paano tinanggal ng isang namili ng isda ang mga laruan o pekeng mata sa mga nabili nyang isda.
Noong ito ay magtrending ay agad namang inaksyunan ng Kuwait’s Ministry of Commerce and Industry. Walang ano ano ay inimbestigahan at pinasara nila ang naturang tindahan.
Kapag ang mga mata ng isda ay naninilaw na, ang ibig sabihin daw ay hindi na ito sariwa at maaaring mahigit dalawang araw o higit na itong namumulok, iyan ay ayon sa Gulf News.
Kamakailan lamang ay may mga naireport na din na may mga tindahan na nagbebenta ng isda na nilagyan daw ng mga kuko sa loob ng katawan ng isda upang ito ay bumigat at sumunod na ang paglalagay ng pekeng mata. Ang mga ganitong klaseng modus ay talaga namang nakakalungkot.
Ang bawat salapi o sentimo na pinaghirapan ng mga mamimili o konsyumer ay hindi biro. Pawis at pagod ang inilaan nila upang kitain ang mga pinambibili nila sa kanilang araw araw na pangangailangan.
Ang artikulong ito ay nagsisilbing babala lalo na sa ating mamimili na mas maging mapili at matalino tayo sa pamimili ng ating mga kailangan.
Para naman sa mga manlolokong tindahan na tulad ng nabanggit ay sana magbago na kayo at huwag na sana kayong pamarisan pa lalo na sa mga panloloko at maling ginagawa ninyo. Mananagot kayo sa batas at mahihirapan na kayong makapagbuo ulit ng tiwala lalo na kung kayo ay magnenegosyo ulit.
COMMENTS