Nito lamang nga ay ibinahagi ng isang netizen kung ano na nga ba ang tunay na estado ng buhay ng dating child actor.
Alam naman natin na ang pagiging artista ay hindi naman isang permanenteng trabaho. Maaaring ang iba ay manatili habang ang iba naman ay unti-unting nalalaos at nawawala sa limelight dahil na rin sa kanilang personal na rason. Siguro ay ito na rin ang isa sa mga pinakanakakalungkot na pangyayari para sa isang sikat na artista na permanente ng nawala sa industriya ng showbiz.
Kagaya na lamang ng dating sikat na child actor na si Herminio Alano o mas kilala bilang 'Boy Alano'. Ilan na rin sa mga sikat at beteranong personalidad ang kaniyang naging katrabaho noong siya ay nasa kalagitnaan pa ng kaniyang pagsikat katulad na lamang nina Panchito Alba at Rene Requiestas.
Nito lamang nga ay ibinahagi ng isang netizen kung ano na nga ba ang tunay na estado ni Boy Alano ngayon sa kaniyang Facebook account. Sinabi niya na kasalukuyan ngayong nakatira si Boy Alano sa isang garahe sa Barangay 398 sa Sampaloc, Manila.
Ayon sa kaniyang post, sinabi ng netizen na nais lamang niyang ipaalam sa publiko ang kasalukuyang estado ni Boy Alano ngayon at nais niya ding makahingi ng tulong sa ilang mga artista na nakatrabaho nito noon nang siya ay nasa mundo pa ng industriya ng showbiz at nang siya ay sikat pa.
Si Alano ay gumanap sa ilang mga popular na teleserye at pelikula sa telebisyon noon. Siya nga din ay nagawaran bilang Best Child Actor sa 5th Asian Film fest noong 1958 dahil sa galing na pag-arte at galing na kaniyang pinamalas sa pagganap ng papel na kaniyang ginampanan sa pelikula na 'The Day of the Trumpet.'
Naging Assistant Director din noon si Alano sa pelikula na pinamagatang 'Chetae Gandang Lalaki' kung saan ang actor na si Joey De Leon ang gumanap dito. Marami ding ginampanan na papel si Alano sa ilang pelikula na ginawa ng Sampaguita Pictures noong 1950 kagaya ng 'Roberta', 'Anghel ng Pag-ibig', 'Rebecca', 'El Indio', 'Munting Koronel', 'Anak ng Espada', 'Maldita', at iba pa.
Marami naman sa ating mga netizens ang nagpahayag ng kanilang iba't ibang reaksyon ukol sa post. Narito ang ilan sa kanilang komento:
"Kawawa naman siya. Sana ay matulungan siya ng mga sikat na artista ngayon gaya ni Coco Martin. Ikalat natin ito para mapansin siya ni idol Coco. Sharing is caring!"
"Tingnan mo nga naman ang buhay. Dati kang sikat at ngayon ay normal na tao na lang. Bilog talaga ang mundo. Kaya dapat pahalagahan ang opurtunidad na dumating para in the future ay maayos pa rin ang buhay."
"Ganyan ang buhay. Minsan nasa taas minsan nasa ibaba. Pero ang wish ko ay sana matulungan siya. Dati siyang nagpasaya sa mga tao kaya deserve nyang matulungan ngayon. Ikalat natin para makita ng kinauukulan."
COMMENTS