Sinabi pa ng bagong kasal na halos 90,000 pesos ang ginugol nilang salapi para sa kanilang dream wedding kaya naman nanlulumo sila sa nangyari.
Lahat ng gustong magpakasal ay nangangarap ng perfect wedding. Kaya naman ang mga nagbabalak na magpakasal ay naglalaan ng panahon at lakas upang lubusan itong mapaghandaan at maging matagumpay at kasiya-siya ang okasyong ito, dream wedding wika nga.
Mula sa kulay na gagamitin, sa invitations at mga magiging bisita, bulaklak, venue, sa wedding planner, at syempre ang gown at suit ng dalawang ikakasal. Talaga namang pinagplanuhan ito at pinag-ipunan ng matagal para naman maging almost perfect at hindi mapulaan ang bagong kasal.
Simple man o magarbo, ang lahat ay nasasabik sa pagsapit ng araw ng kanilang pag-iisang dibdib at umaasa na matatapos ito ng masaya at matagumpay.
Gayunpaman, hindi lahat ng plano ay nasusunod ayon sa pinaghandaan. Ganiyan ang nangyari sa kasal nila Mary Ann at Jerome Traballo noong September 28, 2019, taga Las Piñas.
Ang kanilang dream wedding ay nauwi sa wedding nightmare na nagdulot ng labis na kalungkutan at luha para sa bagong kasal, lalo na kay Mary Ann. Ang kanilang inaasahang masayang handaan sa venue, naging parang children's party, pero mas malala pa rito.
Walang decorations o bulaklak na makikita. Wala ring nag-asikaso sa backdrop sa venue. Ang cake ay iba din sa napag-usapan. Kaya naman napagtanto ng bagong kasal na na-scam sila ng kanilang napiling wedding planner.
Sinabi pa ng bagong kasal na halos 90,000 pesos ang ginugol nilang salapi para sa kanilang dream wedding kaya naman nanlulumo sila sa nangyari. Sa halip na matapos na matagumpay ang okasyon, hindi na lang nila ito tinapos yamang nag-uwian na rin ang karamihan sa kanilang mga inimbitahan.
Dahil dito, napakilos si Marjorie Ferrer Dizon ng Marj's Wedding and Events na hingin ang tulong ng iba pang mga wedding organizers at maibigay ang dream wedding para kina Mary Ann at Jerome ng libre at walang bayad.
Naganap muli ang masayang okasyong ito nito lang November 20, 2019 sa parehong venue ng una nilang kasal. Pero ngayon, puno na ito ng naggagandahan bulaklak, eleganteng ayos ng lamesa, at may chandelier pa! Kaya naman natapos ang kanilang kasal na napakasaya at napaka-memorable.
Masaya na ang bagong kasal dahil sa kabutihang ipinakita ng mga wedding organizers na ito. Gayundin, umani sila ng papuri sa mga netizen. Nawa nga na ang lahay nang sagradong pagsasama ng bawat ikakasal ay maging matagumpay at masayang pasimula ng buhay mag-asawa.
COMMENTS