Kamakailan lamang, naiulat na binawian na ng buhay ang 2 taong gulang na bata dahil sa aksidenteng pagkakalunok nito ng isang lollipop
Kamakailan lamang, naiulat na binawian na ng buhay ang 2 taong gulang na bata dahil sa aksidenteng pagkakalunok nito ng isang lollipop na kaniyang nakuha sa 'Trick or Treat' nitong Halloween.
Napagalaman din namin na hanggang ngayon ang mga magulang ng bata ay hindi pa din makapaniwala sa sinapit at nangyari sa kanilang anak.
Sa report na isinagawa ng GMA, ipinahayag ng kapitbahay ng batang n4matay na si John Consulta sa kung ano pa ang ibang pangyayari sa nangyaring pagkasawi ng bata.
Saad ni Leopoldo Corsino Jr., ang 2 taong gulang na bata na si Liam Ezekiel ay lumapit sa kaniya pasado 7 ng gabi pagkauwi niya galing sa kaniyang trabaho. Sa paglapit nito, binigyan niya ito ng lollipop na kaniyang nakuha sa 'Trick or Treat' event na kaniyang dinaluhan sa Pasay City.
Nang mga panahong din iyon, ang mga magulang ni Liam ay parehong nasa kanilang trabaho. Ang ina ni Liam ay nagtatrabaho bilang isang staff ng isang restaurant habang ang kaniyang ama naman ay isang jeepney driver.
Ilang minuto din daw ang lumipas nang makarinig naman si Leopoldo ng isang bata na umiiyak at nahihirapan na din sa paghinga.
Mabilis naman siya at ng tiyahin ni Liam na umaksyon at pilit tinatanggal ang lollipop na nakabara na sa lalamunan ng bata. Noong una, dinala nila ang bata sa pinakamalapit na clinic sa kanilang lugar at saka nila ito minadaling ipunta sa San Juan De Dios Hospital. Ngunit, si Liam ay d3ad on arrival na pagkadating sa nasabing ospital.
Matapos naman marinig ang balita, mabilis na sumugod ang mga magulang ni Liam dahil hindi pa rin sila makapaniwala sa nakakapanlumong pangyayari na sinapit ng kanilang anak.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng ina ni Liam na si Shiela Enriquez ang sinapit ng kanilang anak.
Panoorin ang kabuuang video sa ibaba:
COMMENTS