Marami naman sa ating mga netizens ang nagbigay ng iba't ibang reaksyon ukol dito.
Isa ang ubas at mansanas sa mga prutas na kadalasan nating kinakain hindi lang dahil sa ito ay matamis at masarap, kung hindi na rin dahil sa mga benepisyo na ating makukuha sa mga ito. Ngunit, alam din naman natin na ang ubas at mansanas ay isa sa mga prutas na mayroong mahal na presyo, partikular na kung ito ay bibilin sa mga sikat na grocery stores o supermarket.
Ngunit, dapat pa rin tayong maghinay hinay sa pagbili at pagkain ng prutas na ito , partikular na kung hindi naman sigurado ang lugar na siyang pinagbilhan nito.
Kamakailan lamang, isang netizen na si Geofrey Perez ang ginamit ang kaniyang socmed account upang magbigay ng babala sa mga netizens, partikular sa mga mahihilig kumain ng ubas at mansanas, tungkol sa isang hindi magandang bagay na ginagawa ng iba sa ubas para lamang ito ay mabenta.
Nagbigay din ng babala si Perez sa kaniyang viral post tungkol sa mga nabibiling mansanas at ubas.
Narito ang kabuuang post ni Perez:
"Ingat sa mga ilang prutas na nabibili sa labas like grapes and apples. Di ba kayo nagtataka iba ang tamis at mura, ang ilan ay ini injeksyunan ng sugar para tumamis , be aware lalo na iung apples try na tanggalin ninyo iung brand/sticker na nakadikit magugulat kayo may butas na tinurukan ng injection pampatamis . it's yours to observed. forgot to attached pics of apples ,will try to add later tinapon ko na at baka makain pa ng mga bata."


Marami naman sa ating mga netizens ang nagbigay ng iba't ibang reaksyon ukol dito. Narito ang kanilang komento:
"kaya nga magtaka na tayo pag mura ang presyo."
"omg katakot nman ginagawa sa fruits ,thanx 4 sharing kuya.."
Sa kasalukuyan, ang viral post ay mayroon ng mahigit sa 20,000 reactions, 12 comments, at 111,000 shares.
Ano sa tinggin niyo?
COMMENTS