Trending ngayon ang madaming issues ukol sa pagdaraos ng Sea Games dito sa Pilipinas.
Trending ngayon ang madaming isyu ukol sa pagdaraos ng Sea Games dito sa Pilipinas. Ang nasabing patimpalak ay dadaluhan ng mga atleta na nagmula pa sa iba’t ibang bansa. Ngunit, bago pa man simulan ang Sea Games dito sa Pilipinas ay napakarami palang problema ang binabatikos ng mga netizens ngayon.
Nauna na dito ang isyu ng Giant Cauldron na gagamitin sa tradisyon na Lighting Ceremony. Sinabing 50 million ang nagastos ng gobyerno para lamang sa kagamitan na ito. Kinuwestyon ito ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.
Ang sabi nya, ang perang 50 million ay maaari ng makapagpatayo ng 50 classrooms. Sinagot din naman ito na parte na sa budget at aprubado na din ito Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Matapos ang isyu sa Giant Cauldron ay agad namang sumunod ang mainit init pang isyu ng pagpapakain umano sa mga atleta ng kikiam. Giit ng mga netizens ay hindi naman daw akma na iyon ang ipakain sa mga atleta dahil pang pisikalan ang magaganap na mga palaro at sinabi din na hindi masustansya ang pagkain na yun para sa kanila. Tama naman ang opinyon ng mga netizen hinggil sa kikiam issue nay an, ngunit ito nga ba ay fake news lang daw?
Ang isyu na ito ay agad agad din namang naresolbahan dahil naglahad na ng totoong statement ang hotel na nakaassign sa mga atleta ng Sea Games. Narito ang statement:
"The coach who released a statement to the media has repeatedly apologized to our staff and management for the erroneous Kikiam comment; however, the statement had already gone viral before she could make corrections. This coach admitted that she was not present during the breakfast buffet. She saw the chicken sausage in a plastic container (which is not a hotel container, as we do not use plastic for packed meals) and assumed that this was the full breakfast offering."
Ayon sa mga statement ng Whitewoods Leisure and Convention na nakatalaga na hotel para sa mga atleta ng Sea Games ay “KOMUNIKASYON” ang naging problema kaya nag arise ang ganitong suliranin.
Para sa mga nagbabasa dyan dapat na wag na tayong maggawa pa ng mga isyu na pwedeng magpahiya sa ating bansa. Bagkus, magtulungan tayo at suportahan ang ating mga kapwa Pilipinong atleta.
KUDOS PILIPINAS!
COMMENTS