Kakaibang Pagtrato Ng Mag-Asawang Robin At Mariel Padilla Sa Mga Kasambahay, Nakunan Ng Video

Totoo naman na nakakapagod ang gawaing ito yamang inuubos nito ang pisikal na lakas ng bawat kasambahay.


Ang mga katulong o yaya sa isang sambahayan ang inaasahan na mag-aasikaso sa pangangailangan ng kanilang mga amo at sa ibang gawain sa loob ng tahanan. At totoo naman na nakakapagod ang gawaing ito yamang inuubos nito ang pisikal na lakas ng bawat kasambahay.

Ngunit sa kabila ng pagod, patuloy pa rin sa paglilingkod ang mga kasambahay at nagsasakripisyo para maitaguyod ang kanilang sariling sambahayan, kapalit man nito ang mapalayo sila sa kanilang mahal na asawa, mga anak at iba pang kapamilya.


Nakita ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez Padilla ang mapagsakripisyong saloobin ng mga kasambahay kaya naman ang mag-asawa mismo ay nagpapakita rin ng magandang pakikitungo sa kanila at sinusuklian sila ng kabutihan.

Sa isang araw ng pagdiriwang ng Mother’s Day, si Mariel ay nagbigay papuri sa anim na kasambahay nila na mga nanay din sa kanilang sariling sambahayan. Isa-isang binigyan ng anak na babae nila Robin at Mariel ng bungkos ng bulaklak ang mga nanay na kasambahay bilang pasasalamat sa kanilang sakripisyo.

Sinabi pa ni Mariel sa kaniyang Instagram post na ang mother’s day ang pinaka-importanteng araw para sa kaniya. Iba ang hirap at saya ng pagiging isang ina at na bawat ina ay karapat-dapat makadama ng pagmamahal at parangal.


Nagpapasalamat siya sa pagtayo din nila bilang ‘nanay’ para sa anak nilang si Maria Isabela. Sa isang video naman ng mag-asawang Padilla, makikita na sila mismo ang nakikipagsaya sa kanilang mga kasambahay sa isang palaro na isinagawa sa loob ng kanilang tahanan at makikita din ang sayang naidulot nito sa kanilang mga kasambahay.


Ang mga gawa ng kabutihan ng mag-asawang Padilla ay umani rin naman ng papuri sa mga Netizen na nakakita sa kanilang ginawa para sa kanilang mga kasambahay. Nagpasalamat ang ilan sa kanilang mga comments sa pagpapahalaga at sa kabaitan na ipinapakita nila sa kanilang mga kasambahay.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Kakaibang Pagtrato Ng Mag-Asawang Robin At Mariel Padilla Sa Mga Kasambahay, Nakunan Ng Video
Kakaibang Pagtrato Ng Mag-Asawang Robin At Mariel Padilla Sa Mga Kasambahay, Nakunan Ng Video
Totoo naman na nakakapagod ang gawaing ito yamang inuubos nito ang pisikal na lakas ng bawat kasambahay.
https://1.bp.blogspot.com/-0uG6FFeq-Eo/XdLMd19KWUI/AAAAAAAB2co/xvsuYrzQrQgyzjoRW0CFWbxk_M4TpPhxgCLcBGAsYHQ/s640/padilla%2Bhousehlep.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-0uG6FFeq-Eo/XdLMd19KWUI/AAAAAAAB2co/xvsuYrzQrQgyzjoRW0CFWbxk_M4TpPhxgCLcBGAsYHQ/s72-c/padilla%2Bhousehlep.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/11/kakaibang-pagtrato-ng-mag-asawang-robin.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/11/kakaibang-pagtrato-ng-mag-asawang-robin.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy