Siya ay isa sa mga pinakatalented na aktres noon.
Alam naman natin na ang pagpasok sa industriya ng showbiz ay nangangailangan munang dumaan sa isang mahirap na proseso bago pa man maging isang ganap na aktor o aktres. Maaaring ang ilan ay maswerteng nakapasok sa showbiz at naging sikat habang mayroon namang ilan ang hindi pinalad na umangat at maging sikat nang sila ay makapasok sa industriya ng showbiz.
Katulad na lamang ng nangyari sa aktres na si Janelle Quinatana. Siya ay isa sa mga pinakatalented na aktres noon.
Maaaring ang ilan sa inyo ay hindi siya kilala, ngunit nagsimula si Janelle sa kaniyang karera sa showbiz nang siya ay sumali sa isang Kapamilya reality show na Talent Search Star Circle National Teen Quest bilang Janelle Manahan. Siya ay hindi pinalad na manalo at naging top 6 lamang sa kanilang ranking.
Matapos ang kaniyang naging paglabas sa Kapamilya Network, siya ay kaagad na kinukuha upang gumanap sa ilang mga papel sa pelikula at palabas na nagpataas sa kaniyang karera bilang artista.
Ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya nagtagal sa showbiz matapos siayng ipa-blacklisted ng Star Magic.
Ayon sa kaniyang panayam, sinabi niya na kaniya pa ding naaalala ang dahilan at sanhi kung bakit siya ipina-blacklisted ng Star Magic. Sinabi niya na ang kaniyang dating kasintahan na si Ram Revilla ang siyang sanhi kung bakit siya pwersahang napaalis sa ilalim ng Star Magic.
Noong 2008, ayon sa ulat ng Manila Flash, si Janelle ay naging parte pa ng sikat na pelikula ng ABS-CBN na 'The Wedding' na siyang ginanapan nina Anne Curtis at Zanjoe Marudo. Ipinahayag niya na siya ay parte ng original cast ng nasabing pelikula at ipinahayag din niya kung gaano siya kasaya dahil siya ay napili at gampanan ang papel bilang kapatid ni Zanjoe sa pelikula.
Sa kasamaang palad, sa unang araw sana ng shooting niya pelikula, kinuha ng kaniyang dating kasintahan ang kaniyang cellphone at pinatay ito upang walang makatawag sa kaniya kahit sino.
Ipinahayag din ni Janelle na ang kaniyang dating kasintahan na si Ram ay nagseselos umano sa kaniyang mga leading men noong mga panahong iyon. Sinabi din niya na pilit niyang nakikiusap kay Ram upang makausap at masabihan lamang ang Head ng Star Magic na si Johnny Manahan, ngunit hindi siya pinayagan ni Ram kahit anong pagmamakaawa ang kaniyang gawin.
Dahil dito, siya ay napa-blacklisted sa Star Magic at napilitang lisanin ang kaniyang karera bilang aktres. Dahil sa kaniyang pagmamahal kay Ram, wala siyang nagawa kung hindi itigil na lamang ang kaniyang pangarap na maging isang sikat at kilalang aktres.
COMMENTS