Hanggang ngayon ay hinahanap nya ang kanyang magulang.
Itinuturing na mga bayani ang mga OFW. Ang mga OFW o Overseas Filipino Workers ay ang mga magigiting na Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa para mabuhay ang kanilang pamilya na maiiwan dito sa Pilipinas.
Nagpapakahirap at nagpapakabayani sila upang mapakain, mapag aral at maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya. Bukod pa dyan, sila ang mga taong kinakaya ang lahat para sa kanilang pamilya.
Hindi biro ang pinagdadaanan ng isang OFW. Emosyonal at pisikal na problema ang kanilang nararanasan araw-araw. Ngunit mas mapait at mas masakit sa lahat ay uuwi ka sa Pilipinas na walang kaalam alam na wala na ang kanyang bahay at pamilya.
Siya si Romeo Ordaz. Siya ay isang Pinoy Engineer na nagtrabaho sa Riyadh. Ayon sa netizen na nagpost sa kanyang twitter ng mga larawan ni Romeo, ay umuwi daw ito sa Pilipinas noong 2011 at hanggang ngayon ay hinahanap nya pa din ang kanilang bahay at kanyang mga magulang.
Nakita ng isang netizen sa SM Southmall noon si Romeo Ordaz at sinabi nya na pagkauwi nya ay bigla nalang nawala ang kanilang bahay. Hindi na din nya makita at makontak ang kanyang mga magulang at kamag-anak.
Dagdag pa nya may kumuha umano ng mga pera nya kaya walang wala na siya ngayon.
Sa kanyang sitwasyon ay maaaring sya ay naloko ng kanyang pamilya. Ito ay haka haka lamang dahil di pa nya alam ang buong katotohanan kung saan napunta ang kanyang pera na kinita nya sa Riyadh.
Hanggang ngayon ay hinahanap nya ang kanyang magulang. Sinabi din nya sa isang netizen na nananawagan sya sa kanyang mga magulang na sina Arturo at Conchita Ordaz.
Kaawa awa ang kinahinatnan ni Romeo Ordaz. Sana ay matulungan natin sya at nawa ay malaman nya ang buong katotohanan hinggil sa nangyari sa kanya.
COMMENTS