Ang pagmamahal na ipinapakita at ipinaparamdam ng isang magulang para sa kanilang mga anak ay talaga namang walang kundisyon.
Ang pagmamahal na ipinapakita at ipinaparamdam ng isang magulang para sa kanilang mga anak ay talaga namang walang kundisyon. Kahit kailan man ito ay hindi masusukat ng kahit anong bagay. Katulad na lamang kung paano ipinakita ng magulang na ito ang kaniyang pagmamahal sa anak.
Nito lamang ay nagpost ang Facebook page na K and L Marketing ng larawan ng isang babae habang ito ay nagbibilang ng barya sa harap ng isang cashier. Ang nasabing larawan ng babae ay nag viral sa iba't ibang socmed platforms.
Ayon sa nasabing post, ang nanay pala na nasa larawan ay bumili ng isang iPhone. Pero, ang mas nakakaantig pa dito ay ang pinangbili niya ng nasabing cellphone ay galing sa kanilang ipon ng kaniyang asawa.
Ang pera na kanilang pinaghirapang ipunin na ipinangbili ng cellphone ay kanilang ireregalo para sa kaniyang anak na Grade 11 bilang gantimpala dito dahil ito ay naging top student ng kanilang paaralan. Ito rin ang magiging kauna-unahang cellphone ng kanilang anak.
Ang nasabing post ay umantig naman sa maraming netizen. Ilan sa kanila ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa magulang habang ang iba naman ay pinuri ang magulang dahil sa kaniyang pagmamahal na walang kundisyon para sa kanilang anak.
Ang shop naman na binilhan ng iPhone ay sinabi na ang cellphone na binili ng babae ay hindi naman ganon kamahal sa kabila ng brand nito dahil ito ay nagkakahalaga lamang ng nasa 3,000 o $60.
Narito ang kabuang post:
COMMENTS