Sinabi din ni Tugade sa kaniyang post na siya ay nakumbinsi ng mga empleyado ng SM Department Store na bumili ng kanilang kitchenware item dahil ang gamit nga ay sale at mayroon din itong 10% discount.
Kamakailan lamang, isang netizen ang nagbahagi sa kaniyang social media account ng kaniyang pagkadismaya sa isang department store dahil sa kaniyang naging karanasan dito.
Ayon sa post ng netizen na si Arnel Tugade sa kaniyang Facebook account, sinabi niya na siya ay nakaranas ng 'm0dus' sa department store habang ito ay mayroong promo at sales sa ibang mga kagamitan na kanilang binebenta. Ang kaniyang post ay kumalat agad kung saan ito ay mayroon ng nasa mahigit na 47,000 reactions, 34,000 comments, at 77,000 shares mula sa ating mga netizens.
Sinabi din ni Tugade sa kaniyang post na siya ay nakumbinsi ng mga empleyado ng SM Department Store na bumili ng kanilang kitchenware item dahil ang gamit nga ay sale at mayroon din itong 10% discount.
Ngunit, sinabi niya na nang babayaran na niya ang gamit sa cashier ng department store, nadiskubre niya ang totoong price nito at ito ay mas mababa diumano kumpara sa discounted price nito.
Ayon naman sa ilang mga ulat na lumabas, ang merchandizer na siyang nag-assist sa kaniya ay tinawag, kung saan dinepensahan nito ang pangyayari at sinabing mayroong lamang naging pagkakamali sa tag price na nakalagay sa gamit. Gumawa din ng isang complaint letter na siyang pinirmahan ni Tugade at ng manager ng department store, ngunit siya ay hindi nakatanggap ng kopya.
Sinabi din ni Tugade na imbis na ibigay sa kaniya ang kopya ng complaint letter na kanilang isinagawa, ito ay pinunit pa ng isa pang manager at sinabihan siya na dapat siyang magbigay ng kaniyang hinanaing sa kanilang Online Customer Care.
Dahil dito, nakatanggap ng ilang mga batikos mula sa mga netizens ang nasabing Department store.
Dahil na rin diyan ay nagbigay na ng pahayag ang SM Store sa kanilang social media account kamakailan lamang tungkol sa hinanaing ni Tugade. Ayon sa kanilang pahayag, maaaring makakuha si Tugade ng 20% discount dahil sa naging pagkakamali ng kanilang system at dahil na rin sa nangyari at naging karanasan ni Tugade.
Narito ang opisya na pahayag ng department store na naka-upload sa kanilang Facebook page:
COMMENTS