Isang Binatilyo, Natagpuang Nakahandusay At Wala Nang Buhay Sa Harap Ng Kanyang Computer

Sa henerasyon natin ngayon, kadalasan ang mga teenager o mas kilala sa tawag na mga 'millenial' ay madalas na nakatutok sa kanilang cellphone


Sa henerasyon natin ngayon, kadalasan ang mga teenager o mas kilala sa tawag na mga 'millenial' ay madalas na nakatutok sa kanilang cellphone, computers, at iba pang gadgets sa matagal na oras. Maaaring ang iba ay naiiwasan ang kanilang sarili sa paggamit ng mga ito ng matagal habang ang iba naman ay nahihirapan ng kontrolin ang kanilang sarili sa paggamit ng mga electronic gadgets. Ngunit, ang ganitong sitwasyon ay maaaring makasanhi ng kasawian.

Katulad na lamang ng nangyari sa teenager na ito na si Piyawat Harikun, 17 taong gulang na mula sa Thailand. Naiulat na si Harikun ay bigla na lamang bumagsak at n4matay din ilang sandali sa harap ng computer nito matapos ang paglalaro dito ng magdamag sa kaniyang naging bakasyon.

Nagkaroon si Piyawat ng bakasyon sa kaniyang eskwelahan nitong October kung saan ang kaniyang libreng oras ay ginamit niya para manatili sa kaniyang kwarto upang maglaro ng isang battle games sa kaniyang computer.


Ayon naman sa New Straits Times, sinabi ng kaniyang mga magulang na mas pinipili ni Piyawat na manatili sa kwarto nito ng magdamag at ibubukas lamang ang kurtina pagdating ng araw saka ipagpapatuloy ang kaniyang paglalaro. Sinabi din nila na madalas nitong inilalaan ang kaniyang oras sa harap ng computer sa kanilang tahanan sa Udon Thani, northern Thailand.

Ang kaniya ding sitwasyon ay unti-unti ng lumalala na kinakailangan pa ng mga magulang ni Piyawat na dalhan ito ng pagkain sa kaniyang kwarto at pilitin ito na tigilan na munang maglaro at magpahinga muna, ngunit, tinatanggihan lamang niya ang kaniyang mga magulang at nagpapatuloy sa kaniyang paglalaro.

Isang araw, ang ama ni Piyawat na si Jaranwit ay pumunta sa kwarto ng kaniyang anak at nakita na lamang niya itong wala ng malay sa upuan nito sa harap ng kaniyang PC. Nang tignan ni Jaranwit ang anak, ito ay hindi na gumagalaw. Marami ding nakalagay na mga kahon sa kaniyang mesa at isang bote ng pizzy pop naman ang nasa paanan niya habang ang kaniyang headphones ay nakalagay sa taas ng kaniyang computer.


Sinabi ni Jaranwit na isa naman air force officer na pinilit niyang buhayin muli ang kaniyang anak, ngunit ito ay talagang binawian na ng buhay. Aniya,

"I called his name and said 'wake up, wake up' but he did not respond. I could see he was dead."

Makalipas naman ang ilang minuto ay dumating na din ang mga medics at sinabi na ito ay namatay dahil sa stroke na maaaring naging sanhi ng kaniyang paglalaro madalas sa kaniyang computer tuwing gabi. Inamin naman mismo ni Jaranwit na ang kaniyang anak ay talaga adik sa paglalaro. Binigyan din naman niya ng paalala ang lahat ng mga magulang na huwag hayaan ang kanilang mga anak na maadik sa paglalaro ng iba't ibang uri ng laro.


Aniya,

"My son was smart and always did great at school but he had a major problem with gaming addiction. I tried to warn him about his relentless long hours playing games and he promised to reduce it, but it was too late. He had already d1ed before he had a chance to change."

"I want my son's d3ath to be an example and warning for parents whose children are game addicts. They need to be more strict on their children's playing hours, otherwise, they could end up like my son."

Ang katawan naman ng lalaki ay dinala sa isang ospital na malapit sa Buddhist temple kung saan ang kaniyang ama ay naghihintay na maiayos ang libing ng kaniyang anak.

Sana ay maging isang aral ang nakakalungkot na pangyayari na ito sa lahat ng mga magulang na dapat nilang tignan at laging paalalahanan ang kanilang mga anak sa mga bagay na kanilang ginagawa. Mas maigi na sigurong maging isang striktong magulang kaysa manghinayang sa huli kapag ang buhay ng kanilang anak ay hindi na muling babalik.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isang Binatilyo, Natagpuang Nakahandusay At Wala Nang Buhay Sa Harap Ng Kanyang Computer
Isang Binatilyo, Natagpuang Nakahandusay At Wala Nang Buhay Sa Harap Ng Kanyang Computer
Sa henerasyon natin ngayon, kadalasan ang mga teenager o mas kilala sa tawag na mga 'millenial' ay madalas na nakatutok sa kanilang cellphone
https://1.bp.blogspot.com/-MFKYpZygCvY/Xc1ex7IRAmI/AAAAAAAB19c/by5Hd1cdQ881CIRC1bxhSFAD95IMGzGVwCLcBGAsYHQ/s640/thai%2Bcomputer.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-MFKYpZygCvY/Xc1ex7IRAmI/AAAAAAAB19c/by5Hd1cdQ881CIRC1bxhSFAD95IMGzGVwCLcBGAsYHQ/s72-c/thai%2Bcomputer.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/11/isang-binatilyo-natagpuang-nakahandusay.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/11/isang-binatilyo-natagpuang-nakahandusay.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy