Isinama Niya Ang Inosenteng Anak Sa Pagnanakaw Ng Gulay At May Sinabi Ito Na Magpapabago Sa Buhay Niya

Araw araw ang ama ng tahanan ang laging gumagawa ng nasabing krimen upang mabuhay lamang.


May isang mahirap na pamilya ang nabubuhay sa isang pamayanan sa pamamagitan ng pagnanakaw ng pananim sa malawak na lupain ng kanyang kapitbahay. Araw araw ang ama ng tahanan ang laging gumagawa ng nasabing krimen upang mabuhay lamang sila at makakain tatlong beses sa isang araw.

Dumating din ang panahon na naisama nya ang kanyang pitong taong gulang na anak sa plano nyang pagnanakaw ulit ng gulay sa kanyang kapitbahay. Gabi noon ng sila ay sumalakay.

Habang namimitas ang kanyang tatay ng mga gulay ay sinabihan nya na magbantay ang kanyang anak. Sinabi ng kanyang anak na, “Tay, Tay, may nakatingin sa atin.”


Lumingon lingon ang kanyang tatay sa paligid at sagot ng kanyang tatay, “Nasaan anak?”

Ang sabi ng kanyang anak, “Tay tumingin ka sa langit, tignan mo ang buwan diba nakikita nya tayo?”

Napakamot ng ulo ang kanyang tatay at napahinto sya sa kanyang pamimitas na tila biglang napaisip.


Nang nakauwi sila ay nakaramdam ang kanyang tatay ng saya at lungkot. Saya dahil may makakain sila at lungkot dahil sa mga nasambit ng kanyang anak. Nasabi nya sa sarili nya na hindi na dapat ulit sya magnakaw dahil ang pagnanakaw ay isang malaking kasalanan.

Napagtanto nya na siguro ipinakita at pinadinig ng Diyos mula sa kanyang anak na mali ang kanyang ginagawa. Napagdesisyonan nya na tigilan na ang pagnanakaw bagkus ay maghahanap sya ibang pagkakakitaan.

Kinabukasan, nagulat sya ng tanungin sya ng kanilang kapit bahay na may-ari ng pinagnanakawan nyang mga gulay. Tinanong ng may-ari kung pwede ba syang magtrabaho sa kanila bilang taga ani ng kanilang mga gulay.


Sinabi din nila na nakita nila ang anino kagabi ng tatay na nagnanakaw ngunit imbis na  sila ay sumigaw ng “magnanakaw!” ay hindi nila nagawa dahil sa inosenteng boses at salita ng bata na kanilang narinig.

Tinanggap ng tatay ang alok na maging trabahador at lubos syang nagpapasalamat sa kanyang anak dahil imbis na ang tatay ang magdisiplina sa anak ay baliktad ang nangyari.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isinama Niya Ang Inosenteng Anak Sa Pagnanakaw Ng Gulay At May Sinabi Ito Na Magpapabago Sa Buhay Niya
Isinama Niya Ang Inosenteng Anak Sa Pagnanakaw Ng Gulay At May Sinabi Ito Na Magpapabago Sa Buhay Niya
Araw araw ang ama ng tahanan ang laging gumagawa ng nasabing krimen upang mabuhay lamang.
https://1.bp.blogspot.com/-8hMWOS9w1ic/XcTjHwWqRGI/AAAAAAAB0ps/10MalrbpNnkZBYBml-Bimu9JqCcTKIskQCLcBGAsYHQ/s640/farmer%2Band%2Bson.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-8hMWOS9w1ic/XcTjHwWqRGI/AAAAAAAB0ps/10MalrbpNnkZBYBml-Bimu9JqCcTKIskQCLcBGAsYHQ/s72-c/farmer%2Band%2Bson.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/11/isang-ama-isinama-ang-inosenteng-anak.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/11/isang-ama-isinama-ang-inosenteng-anak.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy