Isang estudyante ang kamakailan lamang ay umantig sa puso ng marami matapos nitong kopyahin ang mga sinusulat ng kaniyang mga guro gamit ang mga dahon ng saging.
Siguro, kaunti na lamang sa mga estudyante ngayon ang kadalasang gumagamit ng kanilang notebooks. Dahil karamihan na sa mga estudyante ngayon ay ginagamit ang kanilang mga mobile phones upang litratuhan ang mga sinusulat ng kanilang mga guro.
Ngunit, isang estudyante ang kamakailan lamang ay umantig sa puso ng marami matapos nitong kopyahin ang mga sinusulat ng kaniyang mga guro gamit ang mga dahon ng saging.
Isang netizen na may username na Arcilyn Balbin Azarcon Lpt ang siyang nagbahagi sa kaniyang Facebook account ng larawan ng kaniyang estudyante sa Lianga National Comprehensive High School sa Poblacion, Lianga, Surigao del Sur.
Ayon sa kaniyang post, sinabi niya sa kaniyang mga estudyante na kopyahin ang kaniyang mga isinulat sa board. Ang kaniyang mga estudyante naman ay mabilis na ginawa ang kaniyang tagubilin, ngunit nang siya ay nagikot ikot sa kaniyang klase upang tignan kung nagsusulat nga ba ang mga ito, nagulat na lamang si Teacher Arcilyn nang makita na ang isa sa kaniyang mga estudyante ay nagsusulat sa isang dahon ng saging.
Malinaw din na siya ay handa at handa din ang mga dahon ng saging na kaniyang gagamitin para sa mga klase na kailangan niyang pasukan. Ngunit, hindi ito dahil nais lamang niyang subukang lokohin o iprank ang kaniyang guro, ito ay dahil sa kaniyang naisip na paraan na gumamit ng dahon ng saging para sa kaniyang mga isusulat.
Matapos naman matapos ng mga estudyante na kopyahin ang pinapasulat ng guro, isa isa silang lumapit kay Teacher Arcilyn upang ipakita dito ang kaniyang mga nasulat. Syempre, ang lalaki din ay nagpunta sa guro upang ipa-check din ang kaniyang gawa.
Aniya ng lalaki sa guro, “Ma’am, please check my notes, too, so I can also have points.”
Masayang masaya at proud naman na chineckan ng guro ang isinulat ng batang lalaki dahil na rin sa kaniyang ginawa na siya talaga ay humanap ng solusyon para lamang makapagsulat sa kabila ng kawalan ng notebook.
Hinihikayat din niya ang iba pang estudyante na sana ay nagsikap sila sa pagkopya ng mga lectures na ibinibigay ng kanilang guro imbis na kuhanan lamang nila ito ng litrato.
COMMENTS