Coast Guard Na Off Duty, Iniligtas Ang 61 Na Pasahero Mula Sa Lumulubog Na Barko

Labis naman ang pasasalamat ng mga netizens at mga taong nailigtas ni Barajan na nagawang iligtas ang nasa 61 na pasahero at crew ng MV Siargao Princess


Kamakailan lamang ay naiulat na isang seaman na si First P03 Ralph Barajan ang nagligtas sa mahigit na 60 katao na nakasakay sa isang barko na mula sa Loon, Bohol na papunta sana ng Cebu City nitong November 7, 2019, Huwebes.

Labis naman ang pasasalamat ng mga netizens at mga taong nailigtas ni Barajan na nagawang iligtas ang nasa 61 na pasahero at crew ng MV Siargao Princess sa papalubog na barko dahil sa malakas na alon sa dagat sa Sibonga, Cebu.

Naiulat din na papabalik na sana si Barajan sa kaniyang substation sa Southern Cebu matapos ang kaniyang naging pagdalaw sa Bohol. Siya ay kasama sa 56 na pasahero na sakay ng MV Siargao Princess nang ang barko ay lumubog matapos makapasok ng tubig sa loob ng barko dahil sa malalakas na alon.


Ayon kay Barajan na nakaalis ng Cebu City ng nasa 3:30 na ng hapon matapos niyang tulungan ang kaniyang kasamahan na mga Coast Guard personnel,

“Gusto ko lang ma save tanan mao tong naningkamot ko nga mag uban-uban mi tanan. Gibangan-bangan namo aron dili mi magbuwag. (I wanted everyone to be saved that’s why I tried to bring us all closer. We tied ourselves together so we will not drift apart).”

Sinabi din ni Barajan na ang kaniya lamang naisip na paraan ay ang itali ang mga crew at pasahero ng magkakasama para ang mga ito ay hindi magkahiwa-hiwalay sa nangyaring insidente. Sinabi niya na sinigurado niya muna na wala ng iba pang tao ang naiwan sa loob ng nasabing barko bago siya tumalon mula dito.

Inamin din naman ni Barajan na siya ay natakot sa buong oras nang ang barko ay lumulubog. Gayunpaman, mas pinili niyang hindi unahin ang kaniyang takot at mas unahin na lamang ang seguridad ng mga pasahero ng barko.


Isang pasahero na si Maria Encarnacion Arellano, 65 taong gulang, na naaalala pa din ang nangyari na siya ay lumutang sa dagat kasama ang kaniyang may sakit na asawa sa loob ng dalawang oras bago pa man sila masagip ng PGC-7 responders. Si Arellano din ay isa sa mga nakaligtas na nagpatunay ng katapangan na ginawa ni Barajan na tiniyak muna ang kaligtasan ng mga pasahero at crew nang magsimula na ang paglubog ng barko.

Sinabi niya na nagkusa si Barajan na siguraduhin na lahat ng pasahero at crew na nasa loob ng barko ay mayroong suot na life vests at magkakasama sa iisang lugar bago mailigtas.

Aniya,

“Mga duha ka oras pud mig naglutaw-lutaw. Naggunit ra mis among mga life jacket. May gani naa toy taga Coast Guard nga nakasakay namo nga nagtabang sa amoa. (We were floating on the sea for two hours. We held on to our life jacket. It was fortunate that there was Coast Guard personnel who was also a passenger and he helped us).”

Pinuri naman ni Lieutenant Junior Grade Michael Encina ang spokesperson ng PCG-7 ang katapangan na ipinakita ni Barajan na kaniyang nagawang maligtas ang mga pasahero at crew nang mangyari ang insidente.


Sinabi din ni Encina na si Barajan ay nagkusa sa kaniyang ginawa.

“Siya ang nagbibigay nga instruction sa mga pasahero ano ang gagawin. Tama po ang ginawa nila na nagcongregate sila sa iisang area para madali silang makita. (Barajan instructed the passengers on what to do. What they did was right, they congregated in one area so can easily be seen.)”

Sinabi naman ni Encina na ang kaniyang ginawa ay isa lamang wastong pamamaraan kung mayroong ganitong insidente na mangyayari sa dagat dahil ang mga PCG-7 ay madalas na nagpapadala ng mga responders upang makita ang lokasyon nang pinangyarihan ng insidente at mahanap din ang mga nakaligtas.

Dahil sa katapangan na ipinakita ni Barajan, nailigtas ang pitong crew at 52 na pasahero, kasama na si Barajan, at sila ay nakadating sa Aduano Wharf, Pier 3, sa Cebu City sa BRP Suluan nang nasa 3:30 ng hapon noong Huwebes. Sila din ay madaliang tinignan ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO)  team kung mayroong nasugatan o nagksakit sa nangyaring insidente.

Ayon naman kay Encina mayroong tatlo pang pasahero ang nahiwalay sa iba pang pasahero dahil ang mga ito  ay dinala sa Carcar Provincial Hospital dahil sa kanilang pagtalon sa barko nang ito ay lumulubog na at sila ay nakarating sa daungan sa Carcar City sa pamamagitan ng paglangoy ng nasa siya na kilometro mula sa kung saan lumubog ang nasabing barko.


Ang asawa naman ni Arellano na si Eduardo Arellano, 65 taong gulang, na mula pa sa Davao City ay nagkasakit at madaliang dinala ng BRP Suluan sa strecher dahil sa hilo at pagsusuka na dinaramdam nito dahil na rin sa hypertension.

Sinabi ni Arellano na siya kasama ang kaniyang asawa ay papunta sana sa Sibonga upang bumisita sa Our Lady of Simala Shrine. Sila ay galing sa kanilang bakasyon sa Tubigon, Bohol.

Siya at ang kaniyang asawa ay nagkaroon ng pagtaas ng dugo dahil na rin sa kanilang paglutang sa dagat sa loob ng dalawang oras bago sila ay maligtas. Dinala naman kaagad ang asawa ni Arellano sa Cebu City Medical Center matapos itong madala sa BRP Suluan.

Sinabi naman ng isa pang pasahero na si Luben Palma, 28 taong gulang, na mula sa Loon, Bohol, na ang matataas na alon ay nangyari ng nasa 10:30 ng umaga. Sinabi din niya na noong 11 ng umaga ay nagsimula ng lumubog ang ilang bahagi ng bargo na kung saan marami kaagad sa mga pasahero ang natakot. Kwento pa ni Palma na kaniya lamang inihagis ang kaniyang apat na taong gulang na anak na babae sa dagat habang ito ay nakasoot ng life vest at madalian naman niya itong sinundan. Siya kasama ang kaniyang pamilya at iba pang pasahero ay nagpalutang lutang ng nasa dalawang oras hanggang sa dumating na ang PCG team sakay ng BRP Suluan upang sila ay iligtas.

Sinabi ni Encina na lahat ng pasahero ay bibigyan ng kanilang mga pangunahing pangangailangan sa PCG-7 headquarters kasama na dito ang pagkain at kanilang damit.

Ang mga pasahero na taga Bohol ay maaaring sumakay sa BRP Suluan habang ang iba naman na naninirahan sa Cebu ay maaaring madala sa kanilang tirahan ng ilang van na ibibigay ng PCG-7.

Ang captain naman at mga crew ng nasabing barko ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng PCG-7 habang ang imbestigasyon ng insidente ay nagsisimula na.

Ang kapitan naman ng MV Siargao Princess na si Captain Antonio Conag ay hinihingan ng Maritime Protest dahil sa insidente bilang parte ng pagsisimula ng imbestigasyon.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Coast Guard Na Off Duty, Iniligtas Ang 61 Na Pasahero Mula Sa Lumulubog Na Barko
Coast Guard Na Off Duty, Iniligtas Ang 61 Na Pasahero Mula Sa Lumulubog Na Barko
Labis naman ang pasasalamat ng mga netizens at mga taong nailigtas ni Barajan na nagawang iligtas ang nasa 61 na pasahero at crew ng MV Siargao Princess
https://1.bp.blogspot.com/-y89n8HAnn8w/Xc1eQFDIf3I/AAAAAAAB19U/ogMYP91h5IQgabZ8ZyLox0i6cpTK5vUGQCLcBGAsYHQ/s640/Hero%2Bseamn.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-y89n8HAnn8w/Xc1eQFDIf3I/AAAAAAAB19U/ogMYP91h5IQgabZ8ZyLox0i6cpTK5vUGQCLcBGAsYHQ/s72-c/Hero%2Bseamn.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/11/coast-guard-na-off-duty-iniligtas-ang.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/11/coast-guard-na-off-duty-iniligtas-ang.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy