Isang Babae, Ibinahagi Ang Nakakatakot Na Karanasan Sa Loob Ng Elevator

Isang netizen ang nagbahagi kamakailan lamang ng isang nakakatakot na larawan sa Facebook page ng Kapuso Mo Jessica Soho


Sa pagdaan ng Araw ng mga Patay noong Nobyembre 1, sigurado na marami sa atin ang nagbahagi ng iba't ibang nakakakilabot na ating naranasan o di kaya ay ang mga bagay bagay na ating nakita na talaga namang nagpatayo sa ating balahibo.

Katulad na lamang ng isang netizen na nagbahagi kamakailan lamang ng isang nakakatakot na larawan sa Facebook page ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS). Ito ay kaniyang kuha kasama pa ang isang kasamahan na nasa loob din ng elevator.

Makikita sa litratong ibinahagi ni Alona na mayroong isang repleksyon ng babae na makikita sa gawing harapan ng elevator.


Sinabi din ni Alona na nang makita niya ang repleksyon ng babae, sinigurado niyang sila lamang talagang dalawa ng kaniyang kasamahan ang naroon sa elevator at wala ng iba pa. Nagbigay naman ito ng kilabot sa kaniya pati na din sa kaniyang kasamahan nang makita ang larawan at nakita ang repleksyon ng babae.

Ayon sa kaniyang caption post sa ibinahaging larawan sa nasabing Facebook page:

“Hi, I'm Alona. Nag-work ako before sa call center. Break time namin 2AM, nag-elevator na lang kami para mabilis kami makababa.


"Nag-selfie muna kami sa loob ng elevator ng team mate ko using her phone at natakot kami nung nakita namin ang reflection ng isa pang babae sa salamin ng elevator.

"Ibig sabihin, nasa harapan namin siya during that time. Sigurado akong dalawa lang kami ng teammate ko sa elevator ng kinunan ‘yan.”

Marami naman sa ating mga netizens ang nagbigay ng iba't ibang reaksyon ukol dito. Ilan dito ay nagsasabi na ito ay marahil na totoong kwento at binahagi din ang kanilang naging karanasan o mga nakita sa loob din ng elevator. Samantalang, mayroong ibang netizens na nagsasabi na maaaring ito ay isa na namang 'edit photo' para bigyan lamang ang mga netizens ng mga ganitong nakakatakot na eksena.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,350,Tips,60,Trending,368,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isang Babae, Ibinahagi Ang Nakakatakot Na Karanasan Sa Loob Ng Elevator
Isang Babae, Ibinahagi Ang Nakakatakot Na Karanasan Sa Loob Ng Elevator
Isang netizen ang nagbahagi kamakailan lamang ng isang nakakatakot na larawan sa Facebook page ng Kapuso Mo Jessica Soho
https://1.bp.blogspot.com/-Ijf9AXi57sA/XcRE_412r-I/AAAAAAAB0lw/q8gzSWqWdJc7Ts07ouT5s6lqfFxqlBcawCLcBGAsYHQ/s640/elevator%2Bstory.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-Ijf9AXi57sA/XcRE_412r-I/AAAAAAAB0lw/q8gzSWqWdJc7Ts07ouT5s6lqfFxqlBcawCLcBGAsYHQ/s72-c/elevator%2Bstory.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/11/call-center-agent-ibinahagi-ang.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/11/call-center-agent-ibinahagi-ang.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy