Tiyak na marami sa atin ang mas nais pang malaman ang ilang detalye tungkol sa love story ni Boy Abunda
Kamakailan lamang ay nag-vira1 ang ilang litrato ni Boy Abunda kasama ang kaniyang long-time partner na si Bong Quintana.
Makikita naman sa mga larawan ang masayang ala-ala ng dalawa sa kanilang paglilibot sa iba't ibang lugar sa buong mundo. Makikita rin sa mga larawan at sa kanilang mga mata at ngiti kung gaano sila kasaya at kakontento sa piling ng isa't isa.
Dahil dito, tiyak na marami sa atin ang mas nais pang malaman ang ilang detalye tungkol sa love story ni Boy Abunda at partner nitong si Bong Quintana.
Isa sa mga pangarap ni Boy Abunda kahit noong siya ay bata pa ay ang makoronahan bilang isang beauty queen. Sa kaniyang murang edad, alam niya na talaga sa kaniyang sarili kung ano talaga siya at hindi naman siya nahiyang aminin ang tunay na kasarian. Inilarawan din ni Boy Abunda ang kaniyang ama bilang isang “extremely Macho”. Aniya,
“I also lived in a town that was extremely, extremely macho, including the women. Even Waray women are macho. Sabi nga nila, ‘Bumangga ka na sa lalaking Waray, wag lang sa babae.”
Noong siya ay bata pa, siya ay nanirahan sa Baruk Western Samar. Ngunit, hindi rin nagtagal at lumipat ang kaniyang pamilya sa Borongan kung saan siya nag-aral. Ang kaniyang dating alma mater ay ipinangalan na ngayon sa kaniyang ama at ito ay tinawag na bilang Eugenio Abunda Sr. Elementary School.
Inamin naman ni Boy Abunda kahit noong bata pa siya alam na niya ang kaniyang tunay na kasarian na siya ay isang homosxual at ito ay tinanggap naman niya ng buong buo. Sinabi din niya na siya ay naglakas loob mula ng kaniyang ipakita kung ano nga ba ang tunay na siya.
Ngunit inamin din naman ni Boy Abunda na mayroong ilang pagkakataon sa kaniyang buhay na bumababa ang kaniyang self-confidence dahil na rin sa mga panghuhusga at pangmamaliit na kaniyang natatanggap sa mga tao.
Saad ng King of Talk, “I played their games, but I didn’t play basketball.”
“It was my biggest insecurity, kasi sa seminaryo at bayan, kapag hindi ka naglaro ng basketball, effeminate ka ‘di ba? The stereotypes, maaga pa lang sa buhay ko, na-expose na ako doon,” dagdag pa niya.
Ipinahayag din ni Boy Abunda ang kaniyang naging karanasan at trauma na nangyari sa kaniya nang siya ay unang ma-bu11y dahil sa kaniyang kasarian. Pag-babahagi niya,
“There was a street in my town, ang pangalan niya ay Royal, takot na takot ako na dumaan doon, kasi sinisigawan ka ng mga boses na ‘do mo nakikita ng ‘Bakla!’ Or, ‘Bayot, bayot!’ Of course, I would pretend not to hear but I was afraid.”
Ibinahagi din ni Boy Abunda ang kaniyang long-time relationship sa kaniyang partner na si Boy Quintana. Ang dalawa ay tatlong dekada nang magkarelasyon at ngayon ay patuloy pa din na tumatatag ang pundasyon ng kanilang relasyon. Ngunit, sinabi ni Boy na ang kanilang relasyon ay hindi din perpekto at dumaan din sa mga pagsubok at hirap na talaga namang sumubok sa kanilang pagsasama.
“Bong is just so loved by Nanay and by my family…It was more difficult sa side ni, Bong, because Papa was a proud police officer. The irony is that n’ung umpisa, I wouldn’t go to Bong’s house because I didn’t want to put Bong in a predicament where he wouldn’t know what to do kasi he was raised in an extremely macho, athletic family.”
Isang araw, si Boy Abunda kasama ang pamilya ni Bong Quintana ay lumabas upang makapananghaliaan kung saan doon niya nadiskubre na ang ama ni Bong na kaniyang tinatawag na Papa ay isa pala sa mga fans niya.
Pagbabahagi niya,
“If my relationship with Papa at the start was very difficult, it turned out later to be the most beautiful relationship, as he turned out to be my biggest fan,”
Sinabi din nito na ang pagiging diretso niya sa usapin ay ang isa sa mga hinahangaan ng ama ni Bong.
COMMENTS