Trending ngayon sa socmed ang mga banat ni Bea Alonzo kila Gerald Anderson at Julia Barretto.
Trending ngayon sa socmed ang mga banat ni Bea Alonzo kila Gerald Anderson at Julia Barretto. Si Bea Alonzo ay isang sikat na artista o personalidad at maging sa pagmomodelo.
Nitong mga nakaraang buwan lamang ay sikat na sikat sya sa mga post nya sa kanyang Instagram Account. Sa mga post nya ay naramdaman ng kanyang mga fans ang kanyang pinagdadaanan ukol sa relasyon nila ni Gerald Anderson.
Tila nagkakalabuan sila noong panahon na iyon dahil puro pang BH o Broken Hearted with second party ang pinapahiwatig nya sa kanyang mga post.
Siya ang nag pauso ng salitang ”#GHOSTING” na ngayon ay gamit na gamit na sa socmed lalo na ng mga millennials.
Ang dahilan pala ng lahat ng mga yan ay dahil sa kanyang boyfriend na si Gerald Anderson na kung saan ay may kumalat na litrato niya na kasama si Julia Barretto. Si Julia Barretto naman ay nakasama si Gerald sa isang movie at husga ng mga netizen ay sila ang dahilan ng lahat ng pains na nararamdaman ngayon ni Bea. Noong panahon din na iyan ay hiwalay na din si Julia at si Joshua.
Nitong nakaraang Linggo lamang ay nainterview sya ni Vice Ganda sa palabas na Gandang Gabi Vice. Kasama ni Bea si Angelica Panganiban na ngayon ay ineendorse ang kanilang palabas na “Unbreakable”. Biro pa nga ni Ange sa kanya ay kapag bumalik pa sya sa piling ni Gerald ay ipapasunog nya daw ang bahay ni Bea.
Sagot naman ni Bea ay “Hindi na talaga. Tapos na tayo sa multo. Wala na akong kinakatakutang multo ngayon… At tsaka na-realize ko na dapat sila iyong mahiya, hindi kami”.
Ang statement nya na yan ay talaga namang mas hinangaan pa sya ng mga tao dahil sa angkin nyang katapangan at katatagan.
COMMENTS