Ayon kay Angelica, ay nagamit ang kanyang credit card sa Pampanga.
Buwan ng Agosto ng ibinahagi nito sa kanyang SocMed account. Dagdag pa ng sikat na artista na malapit na sa kalahating milyon ang nawawaldas nito.
Ayon kay Angelica, ay nagamit ang kanyang credit card sa Pampanga. Hindi maitago ng aktres ang pagkadismaya kung saan sakanyang post ay kanyang sinabi na walang magawa ang taong ito at bakit hindi na lang mag ipon para sa sarili.
Ang pahayag niya na ito ay nag mula sa kanyang twitter account na @angelica_114.
Ayon sa investigasyon, umabot na sa halos 5,000 Pesos ang naikarga sa kanyang credited card at base sa mga records nito ay tinangka rin itong gamitin sa casino.
Matapos ang ilang buwan na paghahanap at pag iimbistiga ng mga awtoridad ay natunton din ang suspek na gumagamit ng credit card ng aktres matapos itimbre at nagsumbong ang isang establishemento sa kinauukulan.
Ayon kay Ronald Guto, na Chief NBI IOD, nagpatulong sila sa kanilang artist na gumawa ng cartographic sketch ng suspek. Kung saan matapos maverify ay nakakuha na ito ng warrant of arrest para arestuhin ang suspek.
Matapos maaresto ang suspek at madala sa NBI ay umamin din naman ito sa kanyang nagawa. Ang suspek ay nagngangalang Agatha Reyes. Sa kabila na hindi ito nagbigay ng panayaman ay lumalabas sa imbestigasyon na tunay na credit card ng akrtes ang ginamit na ito.
Dagdag ni Chief Ronald Guto, “Yung mga card na ito ay nakukuha nila through the couriers. Ito yung mga dine-deliver na renewal cards.” Kung saan ito daw ay nagagawa nila ng paraan upang maipa-activate.
“Once ma-activate nila ang isang card or makuha nila ang possession ng isang credit card, sinusubukan nila ito sa mga maliliit na expenses before they go for the bigger transactions.” Ayon kay Chief Ronald.
Paalala naman ng National Bureau of Investigation kapag naka mayroong kahinahinalang transaction sa inyong mga cards ay ipagbigay alam agad ito sa inyong banko upang mamonitor at mabigyan ng aksyon. Kapag malapit nang mag-expire ang credit card na inyong hawak ay nakakabuti na palitan na agad ito.
Sa ngayon ay nahaharap ang suspek sa kasong credit card fraud at iba pang asunto. Hinahanap na din ng awtoridad ang mga kasabwat ng suspek sa kanyang ginawa.
Sa panahon ngayon napakarami m0dus ang naglipana at isa na dito ang tinatawag na phishing kung saan binibiktima naman nito ang mga card owner at kinikuha ang impormasyon ng card owner upang maacess ang kanilang bank account.
Hindi naman nakakalimot ang mga bangko na magpaalala sa ganitong klase ng m0dus. Kaya nakakabuti na laging iverify ang inyong transaction. Kung kayo naman ay may nakilala na gumagawa ng ganitong gawain ay nakakabuting ipagbigay alam agad ito sa awtoridad.
*source: ABS-CBN News
COMMENTS