Ang mga tulad ni Blanco ay dapat na pamarisan ng mga kabataan sa panahon ngayon.
Ang Harvad University ay isa sa mga prestihiyoso at kilalang unibersidad sa buong mundo.
Ang nasabing unibersidad ay matatagpuan sa Cambridge Massachusetts sa America. Kapag ikaw ay tatak Harvard ay sigurado ang iyong magiging kinabukasan dahil sa masinsinang pagsusunog ng kilay sa pag-aaral. At kapag sinabing tatak Harvard ay malimit sa atin na mayayaman o mga elite person lang maaaring mag-aral dito dahil sa mahal nitong tuition fee.
Ibahin niyo itong binata na ito na anak ng magsasaka na nakapasa at ngayon ay isa ng iskolar sa Harvard University. Nakuha nya ang scholarship mula sa isang foundation- Geen Earth Heritage Foundation.
Ang binatang ito ay si Romnick Blanco. Sa ngayon ay kasalukuyang nag-aaral sya sa Harvard sa kursong Education. Si Blanco ay pangpito sa siyam na anak ng dalawang magsasaka. Pinagsasabay ni niya ang pagtulong nito sa pagsasaka habang nag-aaral noong siya High School.
Kahit malayo ang kanyang eskwelahan mula sa kanilang bahay ay makikita ninyo sa larawan ang tiyaga at desidido na pagpasok araw-araw papunta sa kanyang paaralan. Malubak o maging ang pagtawid sa ilog ay nakapagpigil sa kanya para mag-aral at suklian ang pagod at hirap ng kanyang ama at ina.
Ang mga tulad ni Blanco ay dapat na pamarisan ng mga kabataan sa panahon ngayon. Hindi hadlang ang hirap ng buhay basta kailangan lang pananalig at magkaroon ng pag-asa lagi.
Sabi nga sa isang kasabihan, “kung ano ang iyong itinanim ay siya ding aanihin” at “kapag may tiyaga, may nilaga”.
Mensahe ko lang sa mga kabataan, wag natin sayangin an gating buhay sa mga walang makabuluhang bagay, bagkus mag-aral ng mabuti upang baling araw ay makamit natin ang ating mga minimithi.
COMMENTS