Naging usap-usapan ang napakalinis na tubig baha sa Japan maliban sa paghahandang ginawa ng mga Hapon sa pagdating ng bagyo na may international name na "Hagibis."
Nito lamang nga ay naiulat na tatama ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng Japan sa loob ng anim na dekada na talaga namang nagpaalerto sa mga Hapon pati na din sa buong mundo. Naiulat din na naubos na halos lahat ng paninda sa iba't ibang pamilihan sa tinaguriang "Land of the Rising Sun" bilang paghahanda sa pagtama ng bagyo.
Naging usap-usapan ang napakalinis na tubig baha sa Japan maliban sa paghahandang ginawa ng mga Hapon sa pagdating ng bagyo na may international name na "Hagibis."
Isang netizen na si Yuttana Wangmun ang nagbahagi sa Facebook group na ASEAN World 24 – Southeast Asia Network ng ilang larawan ng pagbaha sa isang kalye sa Japan.
Makikita sa mga litrato na wala man lang kahit anong basura na nakalutang dito kahit na naipon na ang mga tubig sa harap ng mga tahanan.
Makikita din sa mga larawan na tila para lamang ilog ang tubig baha. Marami naman sa ating mga netizens ang humanga sa kung gaano ka disiplinado ang mga taga-Japan kahit na bumaha na sa ilang bahagi ng lugar dahil na rin sa lakas ng ulan na dulot ni Habagat.
Alam naman natin na maraming lugar sa buong mundo na mayroong maraming basura at madumi at nangingitim na tubig na dala ng tubig mula sa naipong ulan. Ngunit, ang ganitong uri ng baha ay maaaring maging sanhi ng mga malalang mga karamdaman.
Komento nga ng isang netizen na mula sa Thailand na siguro daw ay maaaring mabawasan ang pangamba at alalahanin ng mga residente kung gaanong uri din ang baha na mararanasan ng ibang mga bansa.
Ngunit nararapat na magkaroon muna ng disiplina ang mga tao at alam kung paano magtapon ng basura sa maayos na paraan.
Ang mga larawan din na nagpapakita kung gaano kalinis ang tubig baha sa Japan ay naibahagi din sa ilang pages sa Pilipinas. Marami naman sa mga Pinoy ang nagkomento tungkol dito at may iba din na naikumpara ang ating bansa sa Japan.
Komento ng isang netizen,
“Malungkot dahil sa dinaranas ng Japan dahil sa bagy0. Pero parang mas malungkot yata ako dahil iyong baha nila ay mas malinis pa kaysa sa mga ilog at iba pang anyong tubig natin dito sa Pilipinas.”
Isa namang netizen ang nagsabi na kung gaanon ding tubig baha ang mayroon sa kanilang lugar sa Quezon City ay baka hindi nila ito iwasan bagkus ay maligo pa dito.
COMMENTS