Para sa sikat na international action star na si Jackie Chan, magandang investment para sa kaniya ang tahanan.
Pero para sa sikat na international action star na si Jackie Chan, magandang investment para sa kaniya ang tahanan. Dala ng kaniyang kasikatan na binigyan niya ng puhunan ng pagod at hirap, nagawa niyang makapagpundar ng isang mansyon sa Los Angeles, California.
Ayon sa Los Angeles Times, binili ni Jackie Chan ang mansyon na ito noong 1998 na may disenyong katulad nang sa Pransya na matatagpuan sa Sunset Boulevard sa Beverly Hills. Matapos lamang ang walong taon ay ibinenta na ito ni Jackie Chan.
Napakalawak ng mansyon ni Jackie Chan. Sakop nito nito ang mahigit 7,600 square feet bilang living space at nakatayo sa lupaing may lawak na 30,000 square feet.
Pagpasok lamang ay ramdam mo agad ang pagiging enggrande ng mansyon dahil para talaga itong kastilyo. Dadaan ka muna ng dalawang malalaking gate at mula rito mapupunta ka sa motor court. Dito mo makikita ang eleganteng fountain sa gitna ng damuhan.
Bilang isang sikat na artista, hindi nakapagtataka kung bakit sinasakop ng formal entry pa lamang ang dalawang palapag ng kaniyang tahanan. Enggrande rin ang datingan ng kaniyang sala, dining area, at family room na puno ng mga gawang kahoy na mga gamit.
May sarili rin itong bar sa kusina at center island. Kung gusto mo namang magalmusal, may sarili itong breakfast room.
Sa pangalawang palapag ay makikita mo dito ang sarili ding bar ng kaniyang sitting room. Aakalain mong nasa palasyo ka dahil may sarili itong fireplace, walk-in closets at banyo na gawa sa marmol.
Malulula ka din sa lawak ng kaniyang bakuran kung saan makikita ang cabana, barbecue grill, at ang dining area. Siyempre, hindi rin mawawala ang swimming pool na may sariling waterfalls at spa.
Ang bahay na ito ay itinayo noong 1986 at nagkakahalaga ngayon ng mahigit P600 milyon o $12 milyon!
Sa kabila ng kaniyang yaman at ari-arian, nanatili pa rin siyang mapagkumbaba at matulungin sa mga tao.
COMMENTS