Ang pangalan ng businessman na si Atong Ang ay nasangkot sa gulo kasunod ng alegasyon ng kaniyang pagkakasangkot kay Gretchen, Claudine, at kay Nicole.
Kamakailan lamang, mayroong mga spekulasyon at rumor na nagsasabi na ang CEO ng San Miguel na si Ramon Ang at si Julia Barretto ay magkarelasyon. Ito ay nagsimula at kumalat nang magkaroon ng away ang pamilya ni Barretto na sangkot ang kaniyang ina na si Marjorie Barretto at ang kaniyang mga tita na sina Gretchen at Claudine Barretto na naisapubliko matapos ang naging komprontasyon na nangyari sa b*rol ni Miguel Barretto.
Ang pangalan ng businessman na si Atong Ang ay nasangkot sa gulo kasunod ng alegasyon ng kaniyang pagkakasangkot kay Gretchen, Claudine, at kay Nicole.
Para linawin ang isyu sa ilang araw na kaniyang pananahimik, kamakailan lamang ay nagbigay na nga ng pahayag si Ramon Ang tungkol sa alegasyon na naging magkarelasyon sila ng actress na si Julia Barretto.
Itinatanggi din ni Ang ang rumor.
Ayon kay Ang sa kaniyang interview sa ABANTE, hindi niya matandaan na nakilala niya si Julia at ang 22 taong gulang na actress ay masyadong bata para maging karelasyon niya.
Gayunpaman, sinabi niya na nais niya na maging kaibigan ni Julia ang kaniyang apo paglaki nito sa hinaharap.
Saad ng 66 taong gulang na billionaire sa ABANTE,
"Never ko pa po nakilala si Julia Barreto. Nakita niyo naman po ang edad niya, parang apo ko na. Kaya ito pong mga istorya na ito ay malisyoso"
“Siguro, paglaki pa ng kaunti ng mga sarili kong apo, puwede silang maging magkakaibigan,” dagdag ng negosyante.
Sa naunang ulat naman, napagalaman na nagbigay din ng opinyon ang beteranong journalist na si Raffy Tulfo tungkol sa kontrobersyang kinakaharap ng Barretto siblings.
Si Julia Barretto ay isang actress na nagtatrabaho sa ABS-CBN network. Dati niyang karelasyon ang actor na si Joshua Garcia at na-link din siya kay Gerald Anderson. Ngunit, mariin namang itinanggi ni Gerald at Julia na sila ay naging magkarelasyon at sinasabi din na sila ay magkaibigan lamang.
COMMENTS