Robin Padilla
May mga pagkakataon talaga kung minsan na umaabot na sa limitasyon ang pagpipigil ng isang tao sa kanyang nararamdaman lalo na kapag patungkol ang isang komento na hindi maganda sa iyong kabiyak o asawa.
Katulad na lamang ng nangyari kay Robin Padilla kung saan ay naglabas ito ng sama ng loob sa isang netizen sa pamamagitan ng pagkomento sa isang post patungkol sa pagbubuntis ng kanyang asawa na si Mariel Padilla.
Ayon sa isang netizen ay nagpunta di umano ang asawa ni Robin na si Mariel upang magdalang tao sa United States. Kung saan sinasabi na ang kanyang anak ay pinganak sa bansang nabanggit.
Ibinahagi naman ng blogger na si Fashion Pulis ang isang screenshots ang mainit na binitawan na salita ni Robin Padilla sa pagkommento nito sa isang post gamit ang kanyang social media account na si @robinhoodpadilla.
Ayon sa netizen, di umano ay naging hyporcitical si Mariel na magdalang tao sa US sakabila na ang kanyang asawa na si Robin Padilla ay isang kilala bilang isang makabayan.
Dagdag pa dito ay hinamon naman ni Robin Padilla ang netizen na ito na humarap sa kanya at harap harapan sabihin sakanya ang puna nito sa kanyang asawa.
Sa kabila ng pagbitaw ng mainit na mensahe ng sikat na actor na si Robin, nagpapatunay lamang ito na kapag may nagsasalita ng hindi maganda sa iyong kabiyak o asawa, ito ay iyong ipagtatanggol sa kahit kanino.
Source: KAMI | Fashion Pulis |
COMMENTS