Regine Velasquez Hindi Pinansin Sa Louis Vuitton, New York Kaya Bumili Ng 20 Pares Na Sapatos Sa Kabilang Store

Ibinahagi ang naging karanasan ng Asia' s Songbird na si Regine Velasquez ng siya ay pumunta sa isang luxury store sa New York City.


Naranasan mo na rin bang makaramdam ng diskriminasyon dahil imbis na tulungan at patnubayan ka ng mga salesperson sa isang boutique o store ay pinili nilang hindi ka pansinin at gabayan na lamang ang ibang namimili?

Kung ganoon, hindi ka nag-iisa. Dahil kahit mga artista dito sa Pilipinas ay nakaranas din ng ganoong sitwasyon, partikular na ng sila ay nag-shopping sa ibang bansa.

Katulad na lamang ng nangyari at naging karanasan ng Asia' s Songbird na si Regine Velasquez ng siya ay pumunta sa isang luxury store sa New York City.


Sa kaniyang bagong "vlang" o tinatawag na "video lang" ng kaniyang asawa na si Ogie Alcasid, pinakita ni Regine ang kanilang walk-in-closet at ang kaniyang maraming mga branded na sapatos. Ang kaniyang pinaka-paboritong sandalyas ay mula pa sa Louis Vuitton na kaniyang nabili dalawang dekada na ang nakakalipas at mayroon ding kwento sa likod nito.

Panimula ni Regine,

“I went to New York, kasi nandun ‘yung pinaka-malaking Louis Vuitton – hindi pa kami nung asawa ko to – so mga 2001 or 2002 siguro. Anyway, I went to New York to find this particular [pair] of shoes. I was so excited kasi tour ‘yun e. I couldn’t wait to get to New York to get these freaking shoes!”

Nang pumasok na si Regine nakita niya kaagad na naka-display ang sapatos sa loob ng store. Ngunit, mabilis na sinabi sa kaniya na wala silang stock sa size ng kaniyang paa.


Pagbabahagi niya,

“Sa umpisa pa lang sinabi kaagad sa’kin wala akong size. Hindi ako binilhan [binentahan].”

"Can I at least try them on?’ Sabi nung guy, ‘Uh, no.’ Nadiscriminate agad ang lola ninyo, so na-depress ako ng very, very light.”

Dahil sa pagiging dismaya na hindi man lang niya nabili ang sandals na kaniyang gusto, umalis si Regine at pumunta sa kabilang store ng Louis Vuitton na ung saan ito ay Neiman Marcus, isang luxury department store.

“Nagwala ako dun. Ang ending ko, ang inuwi ko ay 20 pairs of shoes. Kasi na-depress ako. Again, I was being discriminated,” saad ni Regine.

Habang ang ibang mga namimili ay tinutulungan sa Neiman Marcus, muli na namang hindi pinansin si Regine sa nasabing store. Ngunit, makalipas ang ilang minuto, isang salesperson ang lumapit sa kaniya at tinanong siya kung kailangan niya ng tulong.


Pagbabahagi niya, “Parang naiiyak na ako, ‘Yes, I need help!’ So lahat ng tinuro ko, binili ko talaga.”

“So ang happy niya, super happy siya. Samantalang ‘yung mga bwisit na ibang nandon [the other salespeople who ignored her], nagtitinginan sila kasi ‘yung ibang nag-susukat dun, wala namang binili, te!," pagpapatuloy niya.

Ngunit ang kwento ay hindi natatapos diyan. Matapos bumili ng 20 pares na sapatos, bumalik si Regine sa Louis Vuitton.

“Nung marami na akong bitbit, pinapasok ako sa Louis Vuitton at nabili ko siya. Yan ang story ng Louis Vuitton shoes na ito."


Habang ang ibang babae ay siguro na hahayaan na lamang ang pangyayari, si Regine naman ay bumili ng partikular na pares ng sapatos hindi dahil gustong gusto niya ito, ngunit dahil gusto niyang may mapatunayan para sa mga ito.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,350,Tips,60,Trending,368,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Regine Velasquez Hindi Pinansin Sa Louis Vuitton, New York Kaya Bumili Ng 20 Pares Na Sapatos Sa Kabilang Store
Regine Velasquez Hindi Pinansin Sa Louis Vuitton, New York Kaya Bumili Ng 20 Pares Na Sapatos Sa Kabilang Store
Ibinahagi ang naging karanasan ng Asia' s Songbird na si Regine Velasquez ng siya ay pumunta sa isang luxury store sa New York City.
https://1.bp.blogspot.com/-mgy5OiKzazw/XZ_96tM_gXI/AAAAAAABwsY/zFffv5p7EzElOY-zgrCNfFKcLLqX4334wCLcBGAsYHQ/s640/regine%2Bv%2Bshoes.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-mgy5OiKzazw/XZ_96tM_gXI/AAAAAAABwsY/zFffv5p7EzElOY-zgrCNfFKcLLqX4334wCLcBGAsYHQ/s72-c/regine%2Bv%2Bshoes.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/10/regine-velasquez-hindi-pinansin-sa.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/10/regine-velasquez-hindi-pinansin-sa.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy