Isa sa mga naging housemates ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus na si Priscilla Navidad ay masaya na ngayon namumuhay sa United Stat...
Isa sa mga naging housemates ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus na si Priscilla Navidad ay masaya na ngayon namumuhay sa United States of America. Siya ngayon ay nakatira sa South Carolina.
Sa isang interview ni Navidad sa PUSH, sinabi niya kung paano niya nakilala ang kaniyang asawa at ama ng kaniyang mga anak na si Dan Evans.
Saad niya,
“Funny story. We actually met at a bar. I just turned 21 then my aunt dragged me to the bar with because it’s her friend’s birthday. And it so happens he’s there, too. He went up to me and danced with me and asked for my number.”
Nung nakilala niya ang kaniyang asawa ay mas pinili nya na makipag date muna dito sa loob ng tatlong buwan.
Ipinanganak ni Prsicilla ang kanilang kambal ngayon lang din taon kung saan siya ay nagdesisyon na maging isang stay-at-home mother dahil ang kaniyang asawa na militar ay madalas na malayo sa kanilang bahay.
“I became a stay-at-home mom when the twins were born. My husband is in the military so he is always gone so I had to hold down the fort.”
Ang 29-year-old na taga Davao ay inamin din na isa talagang malaking hamon para sa kaniya ang maging ina ng tatlo.
“It’s definitely not transitioning from one kid to three in an instant. But it’s very rewarding. Dahlia is about to be five and she’s a good Ate.”
Ngunit bago pa maging ina si Priscilla, siya muna ay naging isang bookkeeper at nagtrabaho ng part-time bilang isang salesperson ng malalaki at bigating beauty brands.
Sabi ni Priscilla, “I used to be a bookkeeper and also worked part-time for a sales company for brands such as Smashbox, Glamglow, etc. I do those while Dahlia is in school.”
Sa kabilang banda, sinabi din ni Priscilla na siya ay mayroong plano na bumisita sa Pilipinas kasama ang kaniyang pamilya.
Ibinahagi din ni Priscilla na siya ay nakikipag-usap pa din sa kaniyang mga naging kasamahan sa popular na reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother.
“We plan to visit the Philippines when the twins are a little older,” saad niya.
Madami ang humanga kay Priscilla noong siya ay nasa PBB pa lamang dahil handa niyang gawin ang lahat makamit lamang ang kaniyang pangarap kahit na siya ay may problema sa pandinig.
COMMENTS