Kamakailan lamang, isang Thai netizen ang nagbahagi sa kaniyang Facebook account
Karamihan sa atin ay madalas na nakakarinig o nakakabasa ng mga kwento tungkol sa kung anong mangyayari kapag iniwan mo ang iyong cellphone na nakacharge ng magdamag. Sa kasamaang palad, tila ang iba sa ating mga phone ay maaaring sumabog o magliyab kahitna ang mga ito ay hindi naka charge.
Kamakailan lamang, isang Thai netizen ang nagbahagi sa kaniyang Facebook account sa kung paano niya nakita ang kaniyang sarili na halos makulong sa sunog nang iwan niya ang kaniyang power bank sa tabi niya ng magdamag at nagising na lamang siya dahil may naamoy siyang parang nasusunog ng alas 5 ng umaga.
“I was sleeping but woke up coughing at around 5am. I saw smoke around me, rising to the height of around 20cm. I quickly extinguished the fire and saw that the explosion was caused by my power bank.”
“Be sure to buy from trusted stores only. P.S. It wasn’t being charged, it was just lying on the floor.”
Ang post ay mayroon ng 900 shares at 1,200 likes. Marami naman sa mga netizens ang nagkomento sa kung paano ito mangyayari kung ang device naman ay hindi nakacharge. Samantalang ang iba sa kanila ang nagsasabi na ito ay patunay lamang na ang mga power banks ay hindi dapat payagan dalhin tuwing sasakya ng eroplano.
Ang iba naman ay sinasabi na ang power bank ay maaaring short-circuited na naging sanhi ng pagiging overcharged nito.
Ayon sa Mobile Charger, ang power banks ay maaaring sumabog kapag ang disenyo ng circuit ay ginawa ng hindi wasto, na maaaring mangyari kapag binili mo ang iyong device sa murang halaga lamang at sa mga kaduda-dudang nagbebenta nito.
“If the circuit design is not in line with the safety standards of the battery, the risk of power banks expl0ding increases.”
Sana ay maging babala ito mga taong mayroong power banks na natutulog katabi ng device, siguraduhin din na ito ay nagmula sa wasto at kilalang manufacturers kung nais mong maiwasan ang peligro.
COMMENTS