Kamakailan lamang, isang Pinoy na engineer ang nanalo at nakakuha ng top price sa Royal Institute of Chartered Surveryors' (RICS) Cities.
Isang 23-year-old na engineer na si Earl Patrick Forlales na nagmula sa Manila ang nanalo ng nasa $50,000 o mahigit sa Php3.3 milyon dahil sa disensyo na kaniyang ginawa at magagawa lamang ito sa loob ng apat na oras. Bukod pa don, ito din ay may mababang halaga para sa housing unit.
Ang housing units o tinawag ni Forlales na "CUBO" ay gawa lamang sa mga kawayan na maaaring mayari sa loob lamang ng apat na oras. Ang halaga din na naubos dito ay nasa Php3,000 lamang na kung saan ito ay mura para sa square meter.
Saad ni Forlales sa kaniyang interview sa BBC World Services,
“It’s a functional home on its own, but it’s more than just a house. It’s designed to turn community waste into energy and other valuable resources.”
“as it releases 35% more oxygen than trees and can be harvested annually without causing soil degradation.”
Ang mga kawayan din na kaniyang ginamit na pangdisenyo ay may magandang kalidad na mas maganda ng sampung beses na tatagal kaysa sa pang karaniwan na kawayan.
Ang disenyo din na gawa ni Forlales ay isa sa mga solusyon sa problema sa bansa na ang patuloy na pagtaas ng mga informal settles sa Manila.
Pagpapatuloy ng batang engineer,
“With the Government’s Build Build Build program there will be more construction workers coming into the city… We want our workers who are producing our high-rise multi-storey level buildings to have dignified housing of their own.”
Plano naman magtayo ni Forlales ng isang prototype model gamit ang kaniyang pera na napanalunan. Ito din ay ipapakita niya sa mga investors. Sa darating din na 2023, ay plano niyang gumawa ng nasa 10,000 housing units.
COMMENTS