ang nasa 10 mga damit para makaiwas sa pagbabayad ng sobrang bagahe.
Kamakailan lamang ay pinagkaguluhan sa SocMed ang isang pamamaraan na ginawa ng isang Pinay traveler na ito para makaiwas sa pagbabayad ng magiging sobra sa kaniyang bagahe.
Ang Pinay airline passenger na ito ay gumawa ng isang nakakatawang paraan kung saan sinuot niya ang nasa 10 mga damit para makaiwas sa pagbabayad ng sobrang bagahe. Siguro nga ay nakakatawa itong pakingga, ngunit ito din ay nakakatulong sa mga sitwasyon na katulad nito.
Si Gel Rodriguez ay sumobra sa mga gamit na kaniyang dala sa isang hand-carry luggage na mayroon lamang seven kilo. Ngunit, siya ay tumangging magbayad at sinuot na lamang ang sobrang 2.5 kilo na mga damit upang maresolbahan ang problema.
Ayon sa Pinay, hinihangan daw siya ng check-in counter staff ng bayad matapos ang kaniyang luggage ay nagkaroon ng timbang na 9 kilo.
Saad ng airline staff sa check-in counter,
“Only seven kilos are allowed in hand luggage.”
Sinagot naman ito ng traveler at sinabi na ito ay hindi problema. Iniwasan ng Pinay na magbayad matapos niyang gawing 6.5 kilo ang laman ng maleta mula sa 9 na kilo na mayroon ito. Sinuot niya halos lahat ng jackets, pants, at shirts sa kaniyang sarili.
Aniya,
“I didn’t want to pay the fee for the excess baggage because it was only two kilograms (4.4 lbs).”
Sinabi din ni Gel na hindi na niya muling gagawin ang bagay na iyon partikular na dahil mainit ang panahon ngayon sa kabila ng kaniyang nakakamangha at hindi kapani-paniwala na solusyon sa sobra sa kaniyang bagahe.
Nagbiro din siya na dapat daw ay nagpose naman siya ng mas maayos kung alam niya lamang na ang kaniyang post ay kakalat.
“From 9kg to 6.5kg baggage,” ayon sa kaniyang caption sa post.
Nilagyan niya din ng isang 'laughing emoji' ang kaniyang post kasama na ang hashtag na, “#ExcessBaggageChallengeAccepted.”
COMMENTS