Isang netizen ang nagbahagi ng istorya ng isang lolo at lola na sakabila ng kanilang katandaan at mga kinakaharap na pagsubok ay hindi sumuko sa isa’t isa.
Isang netizen ang nagbahagi ng istorya ng isang lolo at lola na sakabila ng kanilang katandaan at mga kinakaharap na pagsubok ay hindi sumuko sa isa’t isa. Kung saan sila ay hindi nag hiwalay at pinatunayan na magsasama sa hirap at ginhawa.
Ibinahagi ito ni Jerry T. Ledesma, kung saan sya ay humanga sa tibay ng relasyon ng dalawang mag-asawa. Kaya bilang tulong naisipan nitong ibahagi ito sa SocMed upang makahingi ng tulong.
Si Jerry ay kumakatok sa inyong mga puso upang matulungan ang dalawang matanda sa kabila ng kanilang kalagayan at katandaan. Narito ang mensahe ng netizen na nagbahagi ng kanilang istorya
“Idadaan ko lang po sa wall nyo ang dalawang matandang ito na kahit anung mangyare sa hirap o ginhawa never nila iniwan ang isat isa habang silay nabubuhay,”
“Sana matuunan natin ng pansin at matulungan man lang sila kahit sa pamamagitan ng pag share ay malaking tulong na po para makarating sa kina uukulan,”
Para sa mga gustong tumulong sa lolo at lola sila ay nakatira sa Barangay Damakling, Paglat, Maguindanao. Nawa’y matulungan ang dalawang matanda sa kabila ng kanilang sitwasyon.
Tunay ngang masasabi ang kahanga-hanga ang relasyon ng dalawang matanda kung saan hindi piniling maghiwalay sa kabila ng kahirapan na kinakaharap. Maging aral at inspirasyong ang kwento ng dalawang matanda sa atin. Laging tandaan na kahit ano pa ang mga mangyari sa inyong relasyon ng iyong kabiyak ay wag na wag kang susuko.
Kung kayo ay may alam na istorya na makakapag bigay ng inspirasyon at kahanga-hanga, maaari niyo rin poi tong ibahagi sa pamamagitan ng pag kommento.
Heto ang buong post:
COMMENTS