Narito Ang 5 Bagay Na Hindi Mo Dapat Ibahagi/Ipost Sa Sosyal Medya

Narito ang limang bagay na hindi mo dapat ibahagi sa online world:


Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na may pinakamaraming users na laging tutok sa iba't ibang socmed platforms base sa pananaliksik na ginawa ng Global Web Index. Sinabi din ng pag-aaral na ang mga Pinoy ay gumugugol ng mahigit sa apat na oras sa loob ng isang araw lamang na paggamit ng kanilang mga socmed accounts.

Ang mga Pinoy din na mayroong Facebook account at nasa mahigit na animnapung milyon habang sa Instagram naman ay mayroong sampung milyon na Pinoy ang gumagamit.

Boredom ay isa sa mga dahilan kung bakit maraming tao ang abala sa paggamit ng mga socmed katulad ng Facebook at Instagram dahil ang mga ito din ay ating pampalipas oras.


Nagiging habit na din natin na paulit-ulit na tignan ang ating mga cellphone para makita kung ano ang bagong viral ngayon dahil na rin sa mga comments, likes, at notifications na ating natatanggap, base sa pag-aaral.

Ngunit may mga oras din siguro na hindi natin napapansin na dapat hindi natin ibinahagi sa ating socmed accounts lalo na ngayon na use ang cyber bullying at ipa bang krimen na nangyayari sa cyber world.

Narito ang limang bagay na hindi mo dapat ibahagi sa online world:

1. Telephone number at home address


Ang iyong home address at telephone number kasama iyong bank details at iba pang importanteng impormasyon ay hindi nararapat na ibahagi sa mga taong hindi mo kakilala. Dapat din na iyong siguraduhin na hindi makikita ng ibang tao ang impormasyon sa kung saan ka nakatira bago ka magbahagi o mag-upload ng ilang litrato ng inyong bahay sa socmed .

Pero minsan nakakaligtaan natin ang paalalang ito lalo na kung ating ibibigay ang mga online invitations para sa importanteng selebrasyon katulad ng kasal, binyag, o kaarawan. Dapat ay iyo munang siguraduhin na natakpan mo ang impormasyong nabanggit upang maiwasan ang peligrong hatid nito bago ka mag-upload ng kahit anong invitations sa online, digitan man ito o printed.

2. Maraming litrato ng iyong anak


Hindi naman sa masamang maglagay ng ilang litrato ng iyong anak sa iyong socmed  accounts pero kung ito ay sobrang rami na, ito ay maaaring magdala sa iyong anak ng peligro habang siya ay lumalaki. Dapat ay siguraduhin mo munang nakatakip ang private parts ng iyong anak at hindi mo pinapasok ang privacy ng iyong anak bago ka mag-upload ng kaniyang mga litrato sa socmed .

Ito ay maaaring lumikha ng tinatawag na "digital tatoo" kung ang bawat video at lawaran ay inilalagay mo sa socmed  partikular na ung ang mga ito ay mag-viral, base sa isang clinical psychologist na si Genevieve von Lob. Saad naman ni Sonia Livingston isang psychology professor,

"What will matter to children is to feel they have agency, respect, and dignity."

3. Iyong daing tungkol sa trabaho


Hindi mo dapat ilagay o ipost sa iyong socmed  lahat ng iyong hinaing tungkol sa iyong trabaho. Mayroon na ding mga batas na ipinasa ngayon na maaaring makaepekto ng malaki sa iyong kung ikaw ay laging dumadaing sa iyong trabaho, base sa The Balance.

Lahat din ng mga impormasyon na sinasabi ng kumpanya kung saan ka nagtatrabaho ay hindi mo din dapat na ibahagi sa socmed . Tandaan na mas makabuti na huwag na lamang gumawa ng isang bagay na hindi mo kayanag panindigan ang kakalabasan kung ito ay ilalalagay mo sa iyong socmed  accounts.

4. Naging away ng pamilya


Mas mabuti na hindi mo ipost ang mga hindi pagkakaunawaan mo ng iyong partner o ng iyong mga in-laws. Ito din ay maaaring walang maidudulot na maganda kung ikaw ay magrereklamo tungkol sa iyong pamilya katulad na lamang ng pagbabahagi tungkol sa iyong trabaho.

May mga oras din na talagang nailalabas nating ang ating sama ng loob sa pamamagitan ng Facebook dahil mas madali ang mag-post kaysa naman makipag-usap sa mga tao. Pero alam naman natin na ang pag-uusap tungkol sa naging problema ay isa sa mga mabisang solusyon para maresolba ang problema at hindi pagkakaintindihan ng pamilya.

5. Hinaing tungkol sa ibang tao


Kung sakaling ikaw ay mayroong hindi magandang karanasan sa isang kaibigan, ex-, online seller, business, o kahit na anong sitwasyon na para sayo ay naging biktima ka, hindi mo ito dapat ibahagi sa iyong socmed accounts base sa article na ginawa ng Cosmopolitan Philippines.

Ang pagpopost ng ganitong uri ng sitwasyon ay maaari lamang magdulot ng hindi magandang bagay sa iyo saad ni Atty. Paul Cornelius T. Castillo.

Hindi mo din dapat ibahagi ang mga hindi magagandang bagay na iyong ginawa sa iyong kapwa partikular na kung ito ay labag na sa batas. Dapat din na ikaw ay mag-ingat sa mga salitang iyong sinasabi dahil maaari itong makakuha ng maling interpretasyon mula sa mga tao.

Tunay nga na ang socmed  ay isa sa mga bagay na tumulong sa atin sa mga bagay bagay ngayon. Sa tulong nito, isang click mo lang makikita mo kaagad ang impormasyong iyong hinahanap at maari mo na din makausap ng harapan ang iyong mga mahal sa buhay na malayo sa ito.

Ngunit, dapat ay alam pa din natin limitahan ang paggamit nito at ang pagiging responsable dahl ito ay maaaring makapagdulot ng peligro sa ating buhay at sa ating pamilya.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Narito Ang 5 Bagay Na Hindi Mo Dapat Ibahagi/Ipost Sa Sosyal Medya
Narito Ang 5 Bagay Na Hindi Mo Dapat Ibahagi/Ipost Sa Sosyal Medya
Narito ang limang bagay na hindi mo dapat ibahagi sa online world:
https://1.bp.blogspot.com/-YOxqO3BhspA/XZWLPrWBdxI/AAAAAAABvbc/i8j9-o2XkSIu2VmLkkY75VKBOJpPkoTaACLcBGAsYHQ/s640/posting%2Bonline.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-YOxqO3BhspA/XZWLPrWBdxI/AAAAAAABvbc/i8j9-o2XkSIu2VmLkkY75VKBOJpPkoTaACLcBGAsYHQ/s72-c/posting%2Bonline.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/10/narito-ang-5-bagay-na-hindi-mo-dapat.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/10/narito-ang-5-bagay-na-hindi-mo-dapat.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy