Mister gumawa ng maternity shoot para sa asawa
Mabilis kumalat ang mga larawan ng isang lalaki matapos itong pumalit sa kayang misis na mag maternity photoshoot. Maraming netizens ang na aliw sa kanyang mga pose at sobra itong kinagiliwan na nag resulta na sa pag-abot ng mahigit 60,000 likes at 14,000 comments online.
Ang lalaki ay kinilalang si Jared Brewer mula sa Kentucky, kung saan ang ilan sa mga kinigiliwang larawan ay ginanap sa isang waterfall sa Elkhorn Creek sa Frankfort, Kentucky.
Ayon kay Jared, nakatakda sanang mag maternity photo shoot ang kanyang misis ng sa di inaasahang pangyayari ay hindi naging maganda ang pakirandam nito. Nag resulta upan pagpahingahin ito ng kanyang doctor na umabot ng dalwang linggo bago ito manganak.
Sakabila ng pangyayari ang naisipan ni Jared na siya na lang ang magpose para sa kanyang asawa katulad ng kanyang nakitang post noon. Hindi sukat akalain na magiging mabilis ang pagkalat ng kanyang mga larawan.
Sa pangunguna ng K.M Smither Photography na pinamumunuan ng kanyang kapatid na si Kiana Smither, naging matagumpay ang lahat ng pagkuha ng larawan. Kitang kita ang gilas at dedication ng mister na nagproxy para maternity shoot ng kanyang asawa.
Ayon sa Photographer na si Kiana, “He was working it in front of the camera! I would ask him to do a pose and he would add this extra flair to it. Hysterical!”
“It brought tears to her eyes to have a husband that’s so willing to do anything to make the best out of a situation!”
Mensahe naman ng kanyang asawa, “My husband has been a total rock through this whole process and even managed to get with my sister to take these AMAZING PHOTOS! That I will literally cherish for the rest of my life!!”
* Photo: K.M. Smither Photography
COMMENTS