Star City Fire

Ang Star City ay isa sa mga pasyalan na na ating pinupuntahan tuwing mayroong espesyal na okasyon kagaya ng birthday, graduation, pasko, o kaya naman bagong taon. Ito din ang isa sa mga amusement park na talagang nagpapasaya sa marami sa ating lalo na sa mga bata.
Ngunit, neto lamang Miyerkules naiulat na ang paboritong amusement park na pasyalan ng marami sa atin ay nasunog.
Sinabi ng Bureau of Fire Protection netong Miyerkules na ang sunog na nangyari sa Star City amusement park na matatagpuan sa Pasay City ay maaaring sanhi ng labis labis na elektriko.
Sinabi din ng BFP na sila ay nagpapatuloy pa rin maghanap ng posibleng panununog sa nasabing amusement park dahil ang iba't ibang parte neto ay tila nahuli ng sunog ng sabay.
Gayunpaman ang amusement park ay naniniwala pa din na ang sunog ay aksidente.
Saad ng marshal ng Pasay City fire na si Paul Pili na ang sunog ay nangyari ng 12:22 ng umaga noong Miyerkules at ito ay pinapaniwalan na nagsimula sa stockroom ng mga plushies at iba't ibang klase ng bagay na premyo.
Ang sunog din ay madaling kumalat sa iba't ibang parte ng nasabing establisyemento at isang malaking sunog ang nakita na tumaas sa ere. Ang sunog ay nakontrol sa ganap na 4:30 ng umaga.
Ngunit sinabi ng Star City na maaari din itong magbukas netong Christmas season ngunit kinakailangan pa nito ang clearance mula sa BFP.
Sinabi din neto na ito ay magiging sarado sa publiko sa darating na Disyembre at maaari lamang magbukas sa Oktubre taong 2020.
Marami naman sa ating mga netizens ang nalungkot sa nangyari sa nasabing amusement park. Dahil para sa kanila ito ay ang nakapagbigay sa kanila ng kasiyahan at enjoyment lalo na sa kanilang pamilya. Gayunpaman, sinabi nila na sila ay maghihintay muli sa pagbubukas nito.
COMMENTS