Nito lamang Huwebes ay binuksan na nga ng Manila government ang pinakamalaking libreng dia1ysis center sa buong Pilipinas.
Nito lamang Huwebes ay binuksan na nga ng Manila government ang pinakamalaking libreng dia1ysis center sa buong Pilipinas. Ang pagbubukas din na ito ay kasabay din ng selebrasyon ng ika-45th birthday ni Mayor Isko.
Ang Manila Mayor na si Isko Moreno kasama na rin si Vice Mayor Honey Lacuna at ang dating Mayor ng Metro Manila na si Alfredo Lim ay pinangunahan ang pagbubukas ng Flora V. Valisno de Siojo Dia1ysis Center na matatagpuan sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.
Sinabi naman ni Moreno na naisip niyang ipangalan sa lola ni Lim na si Flora Valisno ang nasabing dia1ysis center dahil nais niya din na maaalala ng mga Manileno ang kanilang dating mayor at ang mga nagawa nito na nagpaunlad sa Metro Manila sa loob ng labindalawang taon.
Aniya,
"Isa itong maliit na pagkilala sa 12 taong serbisyo ni Mayor Lim sa Maynila. Makikilala ngayon itong ‘Siojo Dia1ysis Center bilang pinakamalaki sa Pilipinas."
Dahil dito, nagpasalamat naman ang dating Mayor sa ginawa ni Moreno na pagpapangalan ng dia1ysis center sa kaniyang yumaong lola.
Ayon naman kay Moreno, magkakaroon ng higit pa sa 100 dia1ysis machines ang nasabing center kung saan ito ay magiging mas malaki kumpara sa National Kidney Institute at Transplant Institute.
Binahagi naman ni Moreno na kahit na noon pang siya ay vice mayor ay pinapangarap na daw talaga niyang makapagpatayo ng isang dia1ysis center para sa mga mahihirap at walang kakayanan.
Sinabi naman ni Lacuna na ang dia1ysis treatment ay maaaring nasa Php2,200 kada session at ang presyong ito ay maaari pang tumaas ng hanggang nasa Php5,000 kada session. Samantala, uunahin naman ang mga mahihirap na Pilipino na makagamit ng mga dia1ysis machines ng libre at walang bayad.
Sa kabilang banda naman ay punong puno ng pasasalamat si Lim kay Moreno at sinabi pa nga nito na maaaring maging magaling na isang Presidente si Moreno ng ating bansa dahil sa kaniyang angking galing na pamamahala.
“Tiyak na tiyak, magiging Pangulo (siya), dahil sa ngayon wala naman tayong nakikita na maaring maging Pangulo ng bansa, sa ngayon… ewan ko yung iba, baka hindi pa pinapanganak, sigurado na si President Isko ang magiging Pangulo natin.”
Dagdag pa niya,
“Pero ang masakit non, baka nasa sementeryo na ako non, hindi na ko pwedeng pumalakpak, pero alam niya na pinagdarasal ko ang kanyang tagumpay.”
COMMENTS