Nagngangalang “Mhai San Pedro”, na nakatagpo ng napaka mabait na amo sa kayang pinapasukan.
Madalas natin marinig o makita sa mga balita ang mga nakakalungkot na sinasapit ng mga Overseas Filipino Worker sa kanilang amo sa ibang bansa.
Katulad na lamang sa bansang Middle East kung saan maraming mga OFW ang nababalitang naabuso at kung ano-ano pa. Sadya nga namang mataas ang halaga ng pera ng ilang bansa at napakalaking oportunidad ang makapag trabaho dito pero hindi pa din maitatanggi ang hirap na pwede mong maranasan bago mo kitain ang malaking halaga.
Ngunit hindi naman lahat ng nakakapagtrabaho sa ibnag bansa ay talagang minamalas pagdating sa kanilang amo. Dahil sakabila ng mga balitang katulad ng mga nabanggit meron at meron pa rin namang mga amo na may mabuting puso alo na sa kanilang kapwa, kahit pa ano ang estado nito sa buhay.
Katulad na lamang ng isang Pinay OFW sa Saudi Arabia na nagngangalang “Mhai San Pedro”, na nakatagpo ng napaka mabait na amo sa kayang pinapasukan. Kung saan ang kangyang employer ay hindi nagdalawang isip na tumulong para sa kanyang pamilya na naiwan sa bansa.
Ayon sakanya, nagpasiya siyang mangibang bansa upang magtrabaho para may maipang suporta sakanyang pamilya dahil noong mga panahon na iyon ay hindi na nakakain ng tatlong beses sa isang araw ang kanyang pamilya.
Dagdag pa dito ang kanyang anak din ay meron pang dinadalang karamdaman na sa baga. Sa kabila ng sahod niya kada buwan na nagkakahalaga ng 21,000 Pesos, ito ay hindi pa rin sapat na pang suporta sa kanyang pamilya.
Mabuti na lamang ay nagkaroon siya ng amo na may mabuting puso kung saan ito ay tumulong sa pang suporta sa kanyang pamilya. Tumulong ang kanyang amo sa pamamagitan ng pagbibigay sakanya ng mga mahahaling mga bagay katulad ng mga gamit na may brand na Gucci, Michael Kors, Tory Burch, at Burberry.
Dagdag pa dito ay binigyan din siya ng kanyang amo ng mga magagandang klase ng make-up at pabango. Ksama na din sa kanyang mga natanggap sa kanyang amo ay ang mga relo,sapatos at cellphone.
Pero hindi lang dito natatapos ang blessing na ibinigay sakanya ng kanyang napakamabait na amo dahil nagbigay pa ito ng malaking halaga na 35,000 riyals kung saan ito ay ginamit niya para makapag patayo ng bahay.
Totoo nga ang kasabihan na ang buhay kung minsan ay panapahon lang at kung minsan din maihahalintulad ito sa gulong na kung minsan nasa taas at kung minsan ay nasa ibaba.
Nawa’y marami pang katulad ng amo ni Mhai na handing tumulong sakanyang kapwa, lalo na sa oras ng pangangailangan.
COMMENTS