Base sa CCTV footage ay nakita ang isang magnanakaw na pinapaluhod ang taga-bantay ng tindahan.
Dalawang magnanakaw ang nahagip sa CCTV na niraid at nagnakaw ng pera sa isang Pharmacy Store sa Brazil. Ang nasabing parmasya ay pagmamay-ari ni Samuel Almeida.
Base sa CCTV footage ay nakita ang isang magnanakaw na pinapaluhod ang taga-bantay ng tindahan. Pinataas din nya ang kamay ng tagabantay upang hindi makapalag. Gusto ng mga magnanakaw na ibigay ang lahat ng pera ng tindahan sa kanila.
Ito ay nabalita na din sa Daily Mail ng Brazil. Nakita din dito ang isang matanda na bibili sa tindahan.
Sa kabilang dako, ang isang magnanakaw ay may hawak na isang pistol na baril. Walang katakot takot ay nilapitan ng matandang babae ang magnanakaw na may hawak na baril. Sinabi nya sa magnanakaw na kunin nya na ang kanyang pera.
Tila sa sobrang takot at kaba ng matanda ay kusa na syang sumuko sa mga ito. Nang ibibigay ng matandang babae ang pera sa magnanakaw ay bigla nalang sinabi ng magnanakaw na, wag kang mag alala, hindi ko kailangan ng pera mo, mas ok na tumahimik ka na lang, sabay hinalikan ng magnanakaw ang noo ng matanda.
Tila nakakagulat ang inasal ng isang magnanakaw na ito sa matanda. Para bang ginagawa nya lang ang ganitong bagay para sa isang importanteng dahilan.
Sinasabi na nakapagnakaw ang mga ito ng humigit kumulang na $240 o Php 12,480 pesos at nakapagnakaw din sila ng mga ilang produkto ng tindahan.
Hanggang sa ngayon ay hinahanap pa din ng mga awtoridad ang mga suspek sa pagnanakaw na nangyari.
Nakakahabag at talaga namang nakaka touch ang ginawa ng isang magnanakaw sa matandang iyon ngunit, mali pa din ang ginawa nila.
May dahilan man o wala ang kanilang ginawa ay kasalanan pa din iyon na dapat nilang pagbayaran. Sinasabing hanggang ngayon ay nasa traumatic condition pa din ang nagbabantay ng tindahan at pati na din ang matanda.
COMMENTS