Isang Singaporean couple ang nakadiskubre ng isang 'sunny-side up' egg na lumulutang sa Mediterranean coast habang ang dalawa ay nasa bakasyon.
Isang Singaporean couple ang nakadiskubre ng isang 'sunny-side up' egg na lumulutang sa Mediterranean coast habang ang dalawa ay nasa bakasyon. Ang lalaki ay lumapit upang tignan mabuti ang kakaibang nilalang na nakita nila at hinawakan niya ito dahil na rin sa kanilang pagtataka kung ano ito.
Ngunit ang nasabing nilalang ay gumalaw ng hawakan niya ito at umalis papalayo sa dagat. Dahil na rin sa kuryusidad ng lalaki, kumuha siya ng isang kahoy at sinubukan na baliktarin ito.
Siya ay nagulat nang madiskubre na ang lumulutang na fried sunny-side up egg ay isa palang uri ng jellyfish. Matapos itong makita, dinala niya ang jellyfish sa lupa.
Makikita na ang jellyfish ay mayroong dilaw at bilog na centro kagaya na lamang ng egg yolk at ang puting kulay na nakapalibot dito. Makalipas ang ilang minuto, napagalaman nila na ang jellyfish ay nanggaling sa 'Cotylorhiza Tuberculata' sepecies o ito ay mas kilala sa tawag bilang Fried Egg Jellyfish.
Ang Cotylorhiza ay kilala sa tawag na Fried Egg Jellyfish o di kaya ay Mediterranean jelly. Sila din ay kasama sa phylum Cnidria. Maaring makita ang mga ito sa Mediterraniean Sea, Aegean Sea, at sa Adriatic Sea.
Kadalasan silang nagpapakita sa Gozo at Malta sa simula ng Lampuki fishing season tuwing Setyembre.
Kaya nilang maabot ang nasa 40 cm ang lapad at madalas ay hindi bababa sa 17 cm wide kahit na kaya din nilang maabot ang 50 cm.
Ang sting naman na mayroon ang jellyfish na ito ay may maliit na tsansa o hindi makakaapekto sa mga tao. Mahina lamang at hindi gaanong delikado para sa mga tao.
Ang mga ganitong uri ng jellyfish ay karaniwang pinapakain sa zoonplankton. Ang larvae naman na nakadikit sa kanila ay isang matigas na bagay sa ilalim ng karagatan at lumalaki ito sa isang polyp colony na mukhang isang stack ng mga saucers.
Ayon sa Atlantis Diving, ang maliliit naman na anak nito ay nagpapakawala ng mga kapsula na katulad ng isang spaceships at aanurin ito palayo.
COMMENTS