Lalake, Itinapon Ang Isang Bagay Na Di Nya Mailusot Sa Aiport, Pero Isang Babae Ang Nagsalba Nito Para Sa Kanya

Karamihan siguro sa atin ay naranasan na ang napakasakit na pangyayari na iyon tuwing dumadaan sa airport security at natutunan mo din na pigilan ang iyong sarili na dalin ang ibang mga gamit.


Ito ay isang pangkaraniwang araw lamang, lahat ng iyong bags ay nakaayos na at ikaw ay handa na rin sa iyong flight para bumisita sa iyong pamilya o kaibigan. Sigurado na sinabi mo din ang mga regalong iyong ibibigay sa kanila at talaga namang sila ay tuwang tuwa dito at hindi na nila mahintay na makita kang muli.

Ngunit, mayroon isang nakakakilabot na pangyayari habang malapit na ang iyong flight. Ikaw ay piniglan ng mga TSA guys at binawalan ka na sumakay ng eroplano dahil sa mga regalo na mayroong magandang pagkakabalot o kaya naman mga pagkain na iyong dala. Para ikaw ay matuloy sa iyong flight, napilitan ka nalang din na itapon ang mahahalagang gamit na iyon sa basurahan.

Karamihan siguro sa atin ay naranasan na ang napakasakit na pangyayari na iyon tuwing dumadaan sa airport security at natutunan mo din na pigilan ang iyong sarili na dalin ang ibang mga gamit.


Katulad na lamang ng nangyari sa isang lalaki na ito na napilitang isauli ang isang misteryoso ngunit mahalagang package sa airport sa Florida.

Isang babae at ang kaniyang kasintahan ang nakasaksi sa kabuuang pangyayari. At makita na umiyak ito habang tinatapon ang mahahalagang gamit ay mayroong bagay na nakapagtanto sa magkasintahan. Kung kaya naman napagpasyahan nila na palihim na kunin ang mga ito. Ngunit, hindi nila alam na ang laman pala nito ay maaaring makapagpabago sa kanilang buhay habang buhay.

Isa na namang ordinaryong araw para sa mga taga Tampa, Florida, nang ang isang residente na si Ivelise Hernandez ay pumunta sa St. Petersburg-Clearwater Airport. Siya ay mayroong flight na papunta sa Pittsburgh, Pennsylvania. Ang kaniyang kasintahan na si Rico Bankston ang sumama at hinatid siya sa airport at sinamahan din siya sa security line.


Nang sila ay makapunta na sa security line para sa screening ito, agad nila napagtanto na tila ba may mali. Nakita nila ang isang lalaki na napilitan na itapon ang mga package na dala nito. Sa pagkakataon na iyon, hindi alam ni Ivelise na ang pangyayari ay maaaring bumago sa kaniyang buhay.

Siguro isa na sa pinakanakakatakot na parte ng pag-alis ng bansa ay ang pagsali sa pila para sa screening at ang pag-asa na hindi makuha ang mga importanteng bagahe sayo. Ngunit ang pag-iintay sa pila ay madali lamang para kay Ivelise, salamat na rin kay Rico na sumama sa kaniya. Ang pag iinspeksyon ng mga bagahe ng mga travelers ay hindi dapat gaanong matagal, ngunit, mayroong kakaibang nangyari muna.

Tila mayroong importanteng bagay sa loob ng package ng lalaki na ang mga metal detectors ay kinuha ito at ayaw din ng mga aiport security na hayaan ito sa flight. Kung kaya't natigil ang linya at kinailangan din kunin ang lalaki maliba sa pagkwekwestion na gagawin dito.


Napagalaman naman ni Ivelise at Rico ang isang kakaibang bagay habang nakikinig sa pag-uusap ng lalaki at ng mga airport security.

Habang matiyagang naghihintay si Ivelise sat ang kaniyang kasintahan na umayos na ang pila nang sa gayon ay makatuloy na din siya sa kaniyang flight, ang lalaki sa harap nila ay nahihirapan na kumbinsihin ang mga security tungkol sa kaniyang bag. Halata naman na isa sa laman ng kaniyang bag ay bawal.

Ang dalawang magkasintahan naman ay hindi din nakikita ang pangyayari at kung ano ang bagay na iton, ngunit ang mga security ay talagang ayaw payagan ang lalaki na dumaan habang dala dala ito. Kaya naman napagdesisyunan nalang ng lalaki na tumigil na at itapon na lamang ang bagay na iyon.


Ang pagbbyahe sa US at sa iba pang parte ng mundo ay talagang iba na kasunod ng pangyayari noogn Setyembre 2001. Simula noon ang TSA o Transportation Security Authority sa United States ay nakagawa ng ilang mga mga patakaran na mga bagay na kanilang hahayaan lamang nila sa mga flights.

Ang patakaran na ito ay hindi naangkop sa mga American o di kaya ay sa mga global travelers at sila ay madalas na nagugulat tuwing naririnig nila na hindi nila maaaring dalin ang mga importanteng bagay sa eroplano.

Kasunod ng pag-atake ng 9/11, nagiging madalas na din ang makita ang mga travelers sa airports na hindi sang ayon sa patakaran ng mga airport security. Marami sa kanila ang tinatapon na lamang ang mga gamit bago sila payagan na makalagpas sa security at tumuloy sa kanilang pupuntahan.

Kahit na nga ang mga pangunahing gamit lamang katulad ng creams at toothpaste ay pinagbabawal din. Kahit na ito ay nakakainis, ang mga ganitong klase ng gamit naman ay madali lamang mabili sa mga supermarket. Ngunit tila ang dala ng lalaking ito ay hindi ganoong kadaling mapapalitan.


Si Ivelise at Rico naman ay patuloy na pinapanood ang mga pangyayari. At ang lalaki ay patuloy pa din sa paghihikayat sa security agents na hayaan na lamang niyang dalhin ang gamit sa lost and found ng airport.

Ngunit, hindi ito nakinig sa lalaki at pilit na sinasabi sa kaniya na itapon na lamang ang package sa trash bin. Makikita na naging emosyonal ang lalaki na katunayan na sobrang mahalaga sa kaniya ng bagay na nandoon. Dahil dito, nakaramdam si Ivelise na dapat ay mayroon siyang gawin.

Itinapon din naman ng lalaki ang package dahil wala na din naman siyang magagawa. Gayunpaman, si Ivelise ay nagpaalam na kay Rico at pumunta sa security checkpoint. Ngunit, bago iyon, bumalik siya sa kasintahan at nanghingi ng kakaibang pabor dito.

Si Ivelise at Rico ay talagang naantig sa nangyari sa lalaki sa harap nila. At ngayon naman ito na ang magagawang paraan ni Ivelise para makadaan sa security check. Bago iyon, binigyan niya muna ng isang halik at yakap si Rico bago ito umalis ng may kakaibang mensahe para dito.

Hiniling niya dito na pumunta sa basurahan at pilitan na makuha ang natapon na package ng lalaki upang malaman kung ano ang nasa loob nito.


Buti na lamang hindi na kinailangan dumaan ni Rico sa screening kung saan maaari niyang makuha ang package na itinapon sa basurahan.

Maaari din niyang maiuwi ang bagay na kaniyang makikita ng walang TSA guys na pipigil sa kaniya. Inuwi niya ang package sa tirahan sa Tampa at tinignan ang laman nito.

Si Ivelise naman sa kabila banda ay hindi mapakali sa kakaisip sa bagay na ayaw iwan ng lalaki sa airport security. Siya din ay natatakot na maaaring ang package ay mayroong mga threat na pumipilit na itapon ito.

Nakadating naman din kaagad si Ivelise sa Pittsburg. Tinawagan niya kaagad si Rico at nais malaman kung ano ang laman nito at nang malaman ay kaagad na mayroong pumasok sa isip niya na dapat niyang gawin.


Nang makauwi si Rico, binuksan niya ang package at nakita niya na ito ay isa lamang ordinaryong mumurahing hiyas at ito ang pinagtalunan ng lalaki at ng mga TSA guys sa screening.

Ito ay isa lamang snow globe at wala namang espesyal dito. Ngunti habang ininspeksyon ito, nakita niya ang isang kakaibang bagay at napagtanto na ito ang dahilan bakit malungkot ang lalaki na itapon ito. Nang ito ay kaniyang pitikin, nakita niya ang mga bagay na talagang importante.

Hinawakan ni Rico ang snow globe at nasabi na ito ay isang bagay na ipinadisenyo pa. Mayroon dalawang litrato sa loob ng snow globe, ang isa ay sa matandang mag-asawa at ang isa naman ay sa batang babae. Pinapatugtog din ng snow globe ang Greensleeves.

Ito din ay isang regalo dahil sa mensahe na nakalagay dito,

"We cherish you Katie. Nana and Papa 1/25/16".


Nang makarating si Ivelise sa kaniyang bahay mula sa Pittsburgh, siya at si Rico ay madaling nagisip ng plano para sa snow globe. Naisip nilang hanapin ang may-ari nito.

Ang pagkokonekta sa mga pangyayari sa airports sa mga litrato at mensahe sa snow globe, ang magkasintahan ay nalaman na ito ay importante. Dahil dito, madaming plano ang inihanda ng dalawa ngunit kinakailangan din nila ng maraming tulong.

Ngunit kahit gaano pa kagusto ni Rico at Ivelise na ibalik ang snow globe sa nagmamay-ari nito, alam nila na mayroong malaking tungkulin ang kailangan nilang pagdaanan.

Hindi nila alam kung saan nakatira ito, at para naman sa pangalan nito, at mayroon naman silang dalawang generic monikers para sa mag-asawang matanda at unang pangalan ng mga ito. Ang lalaki din na nakwestiyon ay lumipad sa St. Pete-Clearwater Airport noong Pebrero.


Ang unang naisip ni Ivelise ay ikalat ito sa social media. Ginamit niya ang kaniyang Facebook account upang ibahagi ang nangyaring insidente at pati lahat ng detalye nito. Nilagay niya ang litrato ng snow globe pati na din ang mga nakaukit ito.

Ang pagbibigay ng ilang impormasyon, ang pag litrato sa snow globe, at ang pag-post ng mensahe sa Facebook ay ang kaya lang nilang gawin sa ngayon. Ngunit sila ay umaasa, Sinabi ni Ivelise na nais niyang maging masaya ang lalaki.

Alam din ni Ivelise na hindi siya gaanong napapansin sa Facebook kahit na nilalagay niya ang mensahe at in-upload ang litrato ng snow globe. Mayroon naman siyang ilang kailangan, marami din sa mga ito ang nais tumulong sa kanila, ngunit, hindi pa rin ito sapat.

Ngunit, hindi alam ng ni Ivelise at Rico na ang kanilang post ay magiging viral sa social media. Maraming mga tao ang nais tumulong at ang mga ito ay patuloy na nadadagdagan.

Sa loob lamang ng 7 na araw, ang mga litrato na nasa loob ng snow globe, ang mensaheng nakaukit ito, at ang mensahe na ipinost ni Ivelise ay kumalat sa Internet. Maraming mga netizens ang nag-share sa nasabing post kung saan ito ay umabot ng mahigit sa 48,000.


Ngunit, kahit na nakakatuwa na makita ito, hindi pa rin nila alam kung ang pag-repost nito ay makakatulong nga sa kanilang misyon. Hanggang sa isang araw, ang post ni Ivelise ay nakakuha ng atensyon ng isang tao at pinadalhan ng mensahe si Ivelise. Ang tao na kumausap sa kanila ay isang kamag-anak o kasamahan ng lalaki na nagtapon ng snow globe.

Ang mensahe ay nanggaling sa empleyad ng isang gift shop na Things Remembered ay nagbigay ng ilang detalye tungkol sa snow globe at kahit na wala namang koneksyon ang regalo, ang babae ay naalala pa din ang ekstaktong modelo nito.

Nagpadala ng litrato ang babae sa headquarters sa Ohio upang malaman nila ang mas malawak pang impormasyon tungkol sa nasabing order. At napag-alaman nila ang isang pangalan na Linda Modry. Si Linda mismo ang humiling ng isang custom-made snow globe partikular na para sa kaniyang limang taong gulang na apo na si Katie. Ngunit ito ay hindi natanggap ni Katie dahil nga sa aksidente na nangyari sa airport terminal.

At ang lalaki na nakita nina Ivelise at Rico sa screening line ng airport ay ang ama ni Katie na si Michael. Dadalhin na sana niya ang regalo ngunit ang TSA ay ipinatapon ito. Matapos marinig ang nakakapanghinayang na balita mula sa kaniyang ama at lolo at lola, nadismaya si Katie ngunit hindi naman din ito nagtagal.


Simula nito, lahat ng mga tanong sa isipan ni Ivelise at Rico para mahanap ang may-ari ay unti-unti na ding nareresolba.

Malapit na din si Ivelise at Rico na malaman kung sino ang nagmamay-ari ng owner. At ang mas nakakatuwa pa dito ay dahil si Linda Mondry ay naninirahan sa kanilang lugar. Ang empleyado na mula sa Things Remembered.

Marami naman sa mga netizens ang nag-aabang ng pinakahihintay ng reunion ng snow globe pati na din ang may-ari nito. Hindi din mapipigilan si Linda Mondry ng malakas na ulan sa Florida upang mahanap ang tahanan nina Ivelise sa Tampa.

Ang naitapon din na package ngayon ay naresolba na at naging sobrang saya ni Ivelise dito. Siya ay natuwa dahil sa kaniyang desisyon na kuhanin ang regalo. Ang ama naman ni Katie ay emosyonal ng itapon niya ang regalo sa basurahan. Ang kaaarawan ni Katie ay malapit na din at nais ni Linda na ibigay ang snow globe bilang regalo.

Kung hindi lamang pinakiusapan ni Ivelise si Rico na hanapin ang package sa basurahan, ito ay wala na habang buhay. At ang batang babae ay maaaring madismaya sa kaniyang kaarawan. Binahagi din ni Linda ang araw na nakaukit sa snow globe.

Si Linda naman ay nagpasalamat din sa kabutihang ginawa ni Ivelise. Ramdam niya na ang kaniyang mga salita ay hindi kailan man sapat para maipakita na sobra ang pagpapahalaga niya sa aksyon na ginawa ni Ivelise.


Kaya naman nagdesisyon si Linda na manghingi ng tulong sa ibang espesyal na tao para pasalamatan si Ivelise sa kabutihan na ginawa nito. Kaya naman tinawag niya ang kaniyang anak na si Michael, ang lalaki na napilitang itapon ang package sa basurahan ng airport. Nais niya ding marinig mismo ni Ivelise ang pagpapasalamat nila para dito.

Napag-alaman din na si Michael ay pabalik na sa tirahan nila sa Ohio matapos bumisita sa kaniyang mga magulang na sina Linda at ang ang asawa nito sa Florida nang mangyari ang insidente sa airport.

Ang petsa din na nakaukit sa snow globe ay naresolba. Ang January 25th ay hindi talaga ang kaarawan ngunit ito ang araw na in-adopt nila si Katie at naging opisyal na miyembro ng kanilang pamilya. Nais ni Linda at ng kaniyang asawa na ibigay ang regalo para maalala ni Katie kung gaano siya kamahal ng kaniyang pamilya. Ito din ay nagbibigay ng kasiguraduhan para kay Katie na siya ay mayroong espesyal na lugar sa bawat miyembro ng pamilya.

Si Katie din ay nakisali sa pag-uusap nina Michael at Linda sa cellphone. Sinabi ni Linda na nakuha na niya ang special package na snow globe na kaniyang ibibigay sa kaniya.

Maririnig naman ang saya at tuwa sa boses ni Katie sa kabilang linya. Nagpasalamat din ito kay Ivelise sa pagliligtas ng kaniyang regalo.

Sinabi naman ni Ivelise Hernandez na ang ginawang kabutihan ay isang natural na bagay na dapat lamang gawin. Hindi din siya nagdalawang isip na hanapin ang may-ari ng snow globe dahil tinuruan siya ng kaniyang ina na maging mabuti sa ibang tao.

Nang makuha na ang importanteng package, pinadala kaagad ito ni Linda sa kaniyang apo sa Ohio. Ito din ay maayos na nakapack sa kaniyang luggae. Sinabi naman ni Linda kay Ivelise,

Marami naman sa ating mga netizens ang humanga at nagpasalamat sa kabaitan na ginawa ni Ivelise.

Sinabi naman na ang isa sa mga rason kung bakit ipinagbawal ang snow globe ay dahil mas malaki ito kaysa sa tennis ball. Ayon sa TSA spokeswoman na si Lisa Farbstein ngayon na ang snow globes na mas maliit kompara sa tennis ball ay pwede lamang sa loob ng eroplano. Kahit na ito ay kakaiba, pero ito pa din ang patakaran na kanilang sinusunod.

Ang airport security ay mahigpit din sa mga liquid substances, kaya naman ang mga canned foods ay dapat nasa ilalim lang ng 100ml para ito ay makapasa sa checkpoint. Katulad ng snow globes, ang mga canned goods din ay mayroong gas at liquid. Mayroon pang ibang kakaibang mga bagay sa listahan katulad ng fishing rods, sporting equipment, tents, at tent pegs. Kahit na nga ang show insoles.

Pinagbabawal din nila ang mga art supplies, hair dye, at helium balloons dahil sa mga kemikal na mayroon ito.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Lalake, Itinapon Ang Isang Bagay Na Di Nya Mailusot Sa Aiport, Pero Isang Babae Ang Nagsalba Nito Para Sa Kanya
Lalake, Itinapon Ang Isang Bagay Na Di Nya Mailusot Sa Aiport, Pero Isang Babae Ang Nagsalba Nito Para Sa Kanya
Karamihan siguro sa atin ay naranasan na ang napakasakit na pangyayari na iyon tuwing dumadaan sa airport security at natutunan mo din na pigilan ang iyong sarili na dalin ang ibang mga gamit.
https://1.bp.blogspot.com/-t3Buu4TD0JE/XaKyFVoQcuI/AAAAAAABxSU/nxC6qpo_seUdwklRh-inIzZv2D68FtxnACLcBGAsYHQ/s640/SNOWGLOBE%2BSTORY.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-t3Buu4TD0JE/XaKyFVoQcuI/AAAAAAABxSU/nxC6qpo_seUdwklRh-inIzZv2D68FtxnACLcBGAsYHQ/s72-c/SNOWGLOBE%2BSTORY.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/10/lalake-itinapon-ang-isang-bagay-na-di.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/10/lalake-itinapon-ang-isang-bagay-na-di.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy