Alam nyo ba na isa din sa dahilan ng sakit sa puso ay ang "stress" o pagkabalisa?
Ang sakit sa puso ay isa sa mga nakakamatay na sakit sa panahon ngayon. Kadalasan ang mga dahilan nito ay ang pagkonsumo ng mga pagkain na nakakasama sa ating kalusugan tulad ng mga taba ng baboy, balat ng manok at iba pang pagkain na mayaman sa kolesterol at calories.
Sa kabilang dako, alam nyo ba na isa din sa dahilan ng sakit sa puso ay ang "stress" o pagkabalisa?
Ayon sa statistikong ginawa ng isang grupo sa Journal of the American Medical Association, isa sa mga mabisang paraan para mapababa ang mga insidenteng dulot ng sakit sa puso ay ang pataasin ang sahod ng 50% ng bawat manggagawa.
Sinasabi na ang ganitong istratehiya ay magpapababa ng mga maaring maging komplikasyon ng sakit sa puso lalo na ang pagkamatay ng isang tao.
Kapag tumaas ang sahod ng mamamayan, makakabili ng mas masustansyang mga pagkain ang mga tao. Magkakaroon na din sila ng kapayapaan sa kanilang kaisipan na makakatulong sa pag papababa ng stress sa ating pang araw araw na buhay.
Matutulungan din nito ang mga tao na hindi na bumili ng mga murang pagkain na walang sustansya sa ating katawan.
Samantala, sinuportahan din ni Stephen Wang and ideya na ito. Si Stephen Wang ay isang eksperto na may Master's Degree ng "Public Health" sa Harvard University.Sinabi nya na kung kulang ang sahod ng mga tao ay wala na silang pang gastos sa gym upang mag ehersisyo at mas pipiliin nilang bumili ng mga pagkaing walang nutrisyon tulad ng mga "JUNKFOODS" at iba pa.
Kung ikaw ang tatanungin, pabor ka ba dito? Isa ka bang empleyado na handa sa gantong panukala?
COMMENTS