Kamakailan lamang, naiulat na mayroong isang malaki at malakas na bagyo ang dadating at ito ay tatama sa Japan.
Kamakailan lamang, naiulat na mayroong isang malaki at malakas na bagyo ang dadating at ito ay tatama sa Japan.
Ang mga residente sa Japan, partikular na sa mga lugar na nakapaligid sa main island ng Honshu ay inihahanda na ang kanilang sarili sa posibleng pagtama ng pinakamalakas na bagyo sa loob ng 60 taon.
Ang super typhoon ay pinangalanan na Hagibis, na sa Tagaloy ay ang ibig sabihin ay "speed", na inaasahang tatama Nitong Oktubre 12.
Para malaman kung gaano nakakatakot ang bagyo:
* Ito ay sinasabi na nasa par ng isang kategorya para sa limang bagyo.
* Mayroon itong laki na nasa 1,400km sa diameter.
* Ang hangin nito ay maaaring nasa 240km/h.
Ang mga mamamayan ay pinayuhan ng Japan Meterological Agency na maging handa para sa matataas na alon at bugso ng bagyo, ayon sa ulat ng The Guardian. Sinabi din ng mga opisyal ng agency,
"The typhoon could bring record-level rainfall and winds."
Nitong nakaraang buwan lang din ay tinamaan ang Japan ng Typhoon Faxai na pumatay sa tatlong tao at nag-iwan ng 930,000 na establisyementong walang kuryente.
Habang ang mga mamamayan sa gitnang lugar ay naghahanda na para sa susunod na typhoon, ang kalangitan din ay nagpakita ng ilang pagbabago.
Maraming mga residente ang nagbabahagi sa kanilang mga social media accounts ng mga litrato ng kalangitan na naging kulay purple.
Ang pangyayari ay tinatawag na "scattering". Ayon sa Science Daily, ang "scattering" ay nangyayari kapag ang mga molecules at maliliit na particles sa kapaligiran ay naimpluwensyahan ang direksyon ng liwanag na nagiging sanhi ng pagkakalat ng liwanag. Ang haba ng liwanag at ang sukat ng mga particle ay ang tumutukoy sa kulay ng kalangitan.
Ngayon, number 1 Trending Tweet sa Twitter ang hashtag na #PrayForJapan.
Ang mga Japanese ay nahaharap sa mga natural dis4sters sa loob ng maraming taon. Nawa'y ang mga tao doon ay maging matatag at matapang para sa super typhoon.
COMMENTS