James and Nancy will star in a teleserye.
Naibalita kamakailan lamang na si Nancy McDonie isa sa mga miyembro ng sikat na South korean girl group na MOMOLAND, ay mayroong nakatakdang teleserye sa ABS-CBN kasama si James Reid.
Ang balita naman ay nakumpirama na din sa pamamagitan ng Instagram account ng head ng Dreamscpae Entertainment na si Deo Endrinal na siya ding gagawa ng teleserye.
Si Nancy Jewel McDonie ay isang half-American at half-South Korean at isa sa mga miyembro ng sikat na South Korean girl group na MOMOLAND habang si James Reid naman ay pinanganak na half-Filipino at half-Australian at siya naman ay ang other half ng tambalang JaDine.
Ang nasabing proyekto ay magiging kauna-unahang proyekto ni James magmula nang siya ay umalis sa VIVA, ang kaniyang dating talent management agency.
Ang teleserye naman ay pinamagatang "Soulmate" na papangasiwaan ni director Antoinette Jadaone. Gayunpaman, hindi pa din naglalabas ng mas madami pang detalye tungkol sa teleserye.
Matapos naman malaman ang balita, maraming mga Pilipino ang nagulat kung saan kumalat ang balita sa internet. Marami na din sa ating mga netizen ang nagbubuo ng loveteam ni James at Nancy kahit na ang teleserye ay hindi pa inilalabas.
Sa kabilang banda, si James Reid naman ay nagbigay ng kaniyang pahayag tungkol sa pagbuo ng loveteam na ginagawa ng ibang netizens.
Sinabi niya na siya ay tunay na nagpapasalamat sa bagong proyekto na ibinigay sa kaniya kasama si Nancy ngunit siya ay nakiusap sa mga ito na huwag ng bumuo ng kahit anong loveteam names sa pagitan niya at ni Nancy dahil siya ay mayroon na at yun nga ay ang JaDine.
Saad ni James sa kaniyang Twitter account,
"I’m honoured to be part of the new project ‘Soulmate’ on ABSCBN but please guys, no love team names ???? I’ve already got one." #jadine"
Ang K-Pop girl group naman na MOMOLAND ay pumirma na ng kontrata sa ABS-CBN at nagkaroon na din sila ng isang deal para sa mga travel series ng mga ito sa ABS-CBN.
COMMENTS