Teacher Manga
Marahil sa unang tingin ay mapapaisip kayo na inedit ang larawan ng isang guro na ito upang magmukang bata. Pero hindi po ito inedit o di kaya naman ay ginamitan ng isang sikat na application.
Madalas talagang mapagkamalan ang guro na ito na may edad na 23 taong gulang, na nagmula sa bansang Pilipinas.
Ang guro na ito ay nagngangalang Ian Francis Manga, kung saan ito ay nagtuturo sa Primary 3 at Kindergarten. Kung saan siya ngayon ay mas kilala sa palayaw na “baby-face teacher of Bulacan”.
Ang guro ay may tangkad na 162 cm kaya naman nagiging dahilan din ito upang mapagkamalan na estudyante ang guro na ito.
Ayon sakanya, hindi niya naranasan ang puberty at sakabila nito ay hindi niya pa nagawang kumunsulta sa isang espesyalista o doctor para sa kanyang kondisyon.
Dagdag pa ditto, noon siya ay nag-aaral pa ay madalas din siyang mapagkamalan na batang kapatid ng kanyang mga kaklase. Minsan ay tinatawag din siyang “little boy” dahil sa kanyang physical na katangian.
Ngunit sa kabila ng kanyang mga kinaharap na panghuhusga ay kanyang pinatunayan na hindi lamang siya “little boy” o “baby face”, matapos ipasa nito ang pagsusulit bilang maging isang guro.
Narito ang kanyang ibinahagi na mantra na talagang iyong kapupulutan ng inspirasyon
“Ignore them but also prove that you can do it, prove they are wrong. I feel like an older brother to my students as we always play” but “when I'm teaching, I will become more serious. They also take me more seriously,"
"As a teacher, you need to serve as a model. You need to look the part despite being baby-faced."
Sa ngayon siya ay nagtuturo sa bilang guro sa Mater-El-Roi School, sakabila ng kanyang physical na katangian at boses.
Tunay ngang kahanga kahanga ang guro na si Ian, siguradong marami ang maiinspired pa sa iyong istorya.
source: GMA News
COMMENTS