Ang Facebook user na Sweety babes Iriesh ay nag-post sa kaniyang social media account at ibinahagi ang kaniyang naging karanasan at kung paano siya hinusgahan ng mga tao dahil lamang sa kaniyang trabaho bilang domestic helper sa Taiwan.
Kahit wala kang ginagawang masama at nais mo lamang ay mabigyan ng magandang buhay ang iyong pamilya, mayroon at mayroon pa ring ilang tao ang may masasabi tungkol sayo bilang isang Overseas Filipino Worker (OFW), mula sa mga pasalubong hangaang sa kung ano ang estado ng buhay mo at anong uri ang trabaho mo sa ibang bansa, palagi silang may mahahanap na mali o di kaya ay may masasabi sa lahat ng iyong ginagawa.
Katulad na lamang ng OFW na ito na nahusgahan dahil sa kaniyang naging trabaho sa ibang bansa.
Ang Facebook user na Sweety babes Iriesh ay nag-post sa kaniyang social media account at ibinahagi ang kaniyang naging karanasan at kung paano siya hinusgahan ng mga tao dahil lamang sa kaniyang trabaho bilang domestic helper sa Taiwan.
Ayon kay Ireish, ilan sa kaniyang mga kaibigan ang hinusgahan siya dahil siya ay nagtatrabaho bilang isang domestic helper, trabaho na malayo sa kaniyang naging trabaho sa Pilipinas na midwife/nurse.
"Katulong lang daw ako"
Yan ang mga salitang madalas marinig ni Iriesh sa kaniyang mga kaibigan at kapitbahay sa Pilipinas. Inaakusahan din nila ito sa kakulangan ng kaalaman dahil mas pinili niyang maging isang helper.
Ngunit sa gitna ng mga pagpuna ng malalapit sa kaniya, hinarap ni Iriesh ang mga ito dahil alam niya na wala naman siyang ginagawang mali. Ang kaniyang trabaho ay marangal kumpara sa mga nagbebenta ng katawan para sa madaliang pagkita ng pera.
"Who cares", saad ni Iriesh sa kaniyang post at sinabi na ang kaniyang trabaho ay legal at hindi naman siya nagnanakaw ng kahit ano sa kahit kanino. Ang OFW din ay sobrang proud dahil hindi na siya umaasa sa kaniyang mga magulang at nagsisimula na din niyang bilhin lahat ng gusto niya dahil sa kaniyang trabaho ngayon.
Kahit na ang trabaho niya ay hindi ang paupo upo lamang ng komportable sa opisina, sobrang proud pa din si Iriesh sa kaniyang sarili dahil nalagpasan niya lahat ng paghihirap na kailangan pagdaanan bilang isang OFW. Dagdag pa ni Ireish na natutunan niyang maging independent dahil nagtatrabaho siya sa loob ng 10 taon sa kaniyang employer.
COMMENTS