Isang litrato ngayon ang kumakalat sa social media kung saan makikita ang isang kasambahay na nakahiwalay ng lamesa mula sa kanyang mga AMO sa Jollibee.
Isang litrato ngayon ang kumakalat sa social media kung saan makikita ang isang kasambahay na nakahiwalay ng lamesa mula sa kanyang mga AMO sa Jollibee.
Ayon sa nakakita, kasama ng kasambahay ang pamilya na sineserbisyohan nya. Hindi man lang din daw eto binigyan ng pagkain at tanging softdrinks lang ang tangi nilang ibinigay sa kanya.
Madami ang naawa sa kasambahay at kalat na ito sa social media gaya ng facebook at twitter.
Para sayo, ano ba ang kahulugan ng “kasambahay”?
Ayon sa google, ang ibig sabihin ng kasambahay ay kasama sa bahay na kung saan sila ang gumagawa lahat ng gawain sa bahay, tulad ng pagluluto ng agahan, tanghalian at hapunan, paglilinis ng bahay, paglalaba ng damit at pag-aalaga ng mga bata at matanda. Malaki ang kanilang tungkulin nila sa bawat pamilyang pinag lilingkuran nila.
Kung tayo ay may kasambahay, nararapat lang na itrato sila na parang isang tunay na kapamilya. Hindi dapat sila pinapahiya sa publiko tulad ng nasa larawan. Sila ay dapat na igalang at bilang isang tao ay karapat dapat din nilang matamasa ang simpleng pagmamahal. Mahalin natin sila at tanggapin ng buong puso. Hindi biro ang pagiging kasambahay. Tulad natin, kumakayod lang din sila para sa kanilang anak at buong pamilya.
Sila ang mga taong nagsusumikap para lang may maipakain sa kanilang mga anak. Sila ang mga taong pinipilit na maglingkod sa ibang pamilya para lang maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.
Dapat na igalang at pasalamatan ang mga kasambahay. Ang pagkain sa labas na kasama ang kasambahay ay isang malaking reward para sa kanila, ngunit kung ganito din naman ang pagtrato sa kanya ay talaga namang nakakahabag at nakakalungkot na senaryo.
COMMENTS