Ayon kay Aries, magwiwithdraw sana siya sa ATM machine ng BDO
Sa panahon ngayon hindi biro ang hirap na dapat mong pagdaanan para kumita ng pera. Kung sakali naman na ikaw nga ay kumita napakabilis lamang din nitong maubos kung hindi ka marunong magbudget dahil sa taas na ng mga bilihin. Kaya tunay na masasabing kapag nawalan ka ng pera o nahulugan nito ay sadya namang kahinahinayang at nakakapanglambot.
Tulad na lamang ng kumalat na istorya ng isang nagwithdaw sa isang atm machine, kung saan nakalimutan nito na kunin ang kangyang winithdraw. Mabuti na lamang at may ilang tao pa din na may mabuting puso tulad ni “Aries Cave” kung saan nakita nito na hindi nakuha ang pera sa atm machine.
Hindi nagdalawang isip na isinauli nito ang pera sa bangko at nanghingi ng tulong para maibalik sa may ari.
Kanyang ibinahagi ang nangyari sa kanyang social media account upang mabilis na matunton ang may ari nito. Mabilis din nag kumalat ang kanyang ginawa at maraming netizens ang humanga sa mabuting ginawa nito Kung sa ibang tao daw ang nakakita nito ay malamang hindi na ito ibinalik dahil sa hirap ng buhay.
Ayon kay Aries, magwiwithdraw sana siya sa ATM machine ng BDO sa Waltermart Muñoz sa North EDSA, Quenzon City, nang mapansin nito na may nakaipit pang pera sa atm machine at tila ba may nakaiwan nito.
Kanyang nakita ito at sa pagbilang ay may halagang 10,000. Nireport niya agad sa nasabing branch upang maibalik sa tunay na may ari. Hindi niya ito pinag interesan dahil sa alam din nito ang pakiramdam ng mawalan.
Tunay ngang kahangahanga ang mabuting ginawa ni Aries kung saan hindi nito inangkin at nangibabaw ang mabuting puso nito para maibalik ang pera. Nawa’y marami pang katulad ni Aries na handa pa ding tumulong sa iba sakabila ng hirap ng buhay.
Saludo kami sayo Aries! Mabuhay ka.
COMMENTS