Ayon kay Tagle sa kaniyang homily na ang mga ninong at ninang ay ang dapat na maging katuwang ng mga magulang sa pagpapalaki ng mga bata bilang isang mabuting mamayang Pilipino at Kristiyano.
Kamakailan lamang, nagbigay ng eksplanasyon ang Manila Archbishop na si Luis Antonio Cardinal Tagle sa publiko kung ano nga ba ang tunay na tungkulin ng mga ninong at ninang sa kanilang mga inaanak.
Ayon kay Tagle sa kaniyang homily na ang mga ninong at ninang ay ang dapat na maging katuwang ng mga magulang sa pagpapalaki ng mga bata bilang isang mabuting mamayang Pilipino at Kristiyano.
Sinabi din ni Tagle na dapat din silang maging mabuting ehemplo sa kanilang mga inaanak kahit walang aginaldo na ibinibigay sa mga ito at kanila ding responsibilidad ang gabayan sila.
Nagbigay din siya ng paalala sa mga magulang na hindi dapat gawing batayan o pagbasihan ang mga aginaldo o mga regalong ibinibigay ng mga ninong at ninang tuwing sasapit ang Pasko dahil hindi naman ito ang kanilang obligasyon at dapat din nilang isipin ang mga magagandang bagay na ginagawa ng mga ito sa kanilang mga inaanak.
Saad ng arsobispo,
“Kumustahin nyo inaanak nyo, bisitahin nyo, magbigay kayo ng mabuting halimbawa para masabi ng mga bata ‘ah yung ninong at ninang ko mabuting Pilipino, mabuting Kristyano.”
Maliban pa dito, pinangunahan din ni Tagle ang pagbibinyag sa nasa 450 na batang kalye na kasalukuyang tinutulungan ng Tulay ng Kabataan (TNK) foundation sa Manila Cathedral.
Marami naman sa ating mga netizens ang sumang ayon sa pahayag ng arsobispo. Marami sa kanila ang nagsasabi na ibig sabihin lamang ni Tagle dito ay hindi obligasyon ng mga ninong at ninang na magbigay ng aginaldo o regalo sa kanilang mga inaanak tuwing Kapaskuhan. Narito ang ilang komento ng mga netizens:
"Nung bata ako..para akong naniningil sa mga ninong at ninang ko,.nung.nag kaisip nako nakakahiya pala ung nagawa ko...kaya ung anak di ko pinamamasko..."
"Sinasabi lang ni Cardinal dito na di obligasyon ng ninong at ninang na mag bigay ng regalo tuwing pasko sa mga inaanak nila. Di nya sinabing wag na talagang mag bigay ng regalo tuwing pasko. Choice pa din ng ninong at ninang yun kung kaya ba nilang mag bigay o hindi. As simple as that."
COMMENTS